January 26, 2026

Home BALITA Politics

‘Your government continues to care!’ FL Liza Marcos, emosyonal sa pagbisita sa OFWs sa Abu Dhabi

‘Your government continues to care!’ FL Liza Marcos, emosyonal sa pagbisita sa OFWs sa Abu Dhabi
Photo courtesy: Department of Migrant Workers (FB)

Emosyonal ang naging mensahe ni First Lady Liza Marcos matapos ang kaniyang pagbisita sa Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Abu Dhabi kamakailan. 

“Spent time with our kababayans at the OFW Serbisyo Caravan in Abu Dhabi. Bringing services closer means time saved, worries eased and help reached for our OFWs,” saad ng unang ginang sa kaniyang Instagram post, matapos siyang personal na pumunta sa OFW Mini Serbisyo Caravan sa Abu Dhabi noong Martes, Enero 13. 

Saad pa ni Marcos sa kaniyang post, sa pakikidaupang-palad niya sa OFWs na patuloy lumalaban sa mga hamon ng buhay, masaya siyang nakapagbigay ng suporta kahit na sa simpleng paraan. 

“I met Filipinos seeking assistance–and others quietly facing far heavier battles, even illness, far from home. Being able to offer support, even in small ways, mattered. ,” saad ng unang ginang. 

Politics

Torre kinarga ang 'sexy misis,' hinikayat tumakbo sa 2028

Tiniyak niya sa mga ito na may malasakit ang pamahalaan at patuloy itong magbibigay-kalinga sa OFWs, hindi lang sa Abu Dhabi, ngunit maging sa iba pang parte ng mundo. 

“You are not alone. Your government continues to care–wherever you may be. ,” pagtitiyak ni Marcos. 

Sa kaugnay na ulat, nagtungo si Marcos sa United Arab Emirates (UAE) noong Enero 10 hanggang 13 bilang cultural exchange at pagpapalawig ng relasyon sa mga bansa sa Arab region, kung saa, tinatayang 700,000 Pinoy ang nagtatrabaho dito. 

Sean Antonio/BALITA