January 26, 2026

Home BALITA National

'We are not included!' Pilipinas, wala sa listahan ng mga bansang hindi pagbibigyan ng US Visa

'We are not included!' Pilipinas, wala sa listahan ng mga bansang hindi pagbibigyan ng US Visa

Hindi kabilang ang Pilipinas sa sinasabing listahan ng mga bansang pagsususpindehan ng United States of America ng pag-iisyu ng visa, ayon sa pahayag ng Embahada ng Pilipinas sa Washington nitong Huwebes, Enero 15.

“We are not included,” pahayag ni Ambassador Jose Manuel “Babe” Romualdez sa isang text message sa media nitong Huwebes, Enero 15, 2026.

Nagbigay ng paglilinaw si Romualdez matapos iulat ng US-based media outlet na Fox News na plano umano ng US State Department na suspendihin ang pagproseso ng immigrant visas sa 75 bansa, halos kalahati ng buong mundo, simula Enero 21.

Batay sa ulat, nakasaad sa isang memorandum ng State Department ang direktiba sa mga consular office na ipatupad ang suspensiyon habang nirerebyu pa ang screening at vetting procedures para sa mga nasabing bansa.

National

Ogie Diaz, pinalagan sinabi ni Greco Belgica na hayaan mga 'tunay na lalaki' sa gobyerno

Kabilang umano sa listahan ang Thailand, isang karatig-bansa ng Pilipinas.

Sinimulan naman ng administrasyon ni US President Donald Trump noong nakaraang taon ang paghihigpit sa polisiya ng Washington sa pag-iisyu ng visa sa mga dayuhang nais pumasok sa Estados Unidos.

Noong Disyembre, iniutos ng administrasyon ang suspensiyon ng immigrant visa issuance sa mga mamamayan ng kabuuang 39 na bansa, na karamihan ay mula sa Middle East at Africa.

Sa kaniyang proklamasyon, sinabi ni Trump na noong una pa lamang niyang administrasyon ay nagpatupad na siya ng mga restriksiyon sa pagpasok ng ilang dayuhan sa US “to prevent national security and public safety threats from reaching our borders.”

Bukod dito, matatandaang nauna na ring inihayag ni Trump ang mass deportation at paghihigpit sa imigrasyon sa ilang foreign internationals sa bansa.