January 25, 2026

Home SHOWBIZ

Sen. Robin Padilla, hiling ipagdasal ng publiko kaligtasan ni Kris Aquino

Sen. Robin Padilla, hiling ipagdasal ng publiko kaligtasan ni Kris Aquino
Photo courtesy: Sen. Robin Padilla (FB), Kris Aquino (IG)

Nanawagan sa publiko si Sen. Robin Padilla na ipagdasal ang kaligtasan sa kalusugan ni “Queen of All Media” Kris Aquino matapos ang umano’y pagtigil niyang huminga sa loob ng dalawang (2) minuto sa gitna ng pagsailalim sa procedure. 

Ayon sa naging pahayag ni Padilla mula sa shared post niya sa Facebook nitong Huwebes, Enero 15, hiniling niyang patuloy nilang sabay-sabay na ipagdasal si Kris. 

“Patuloy natin ipagdasal ang kaligtasan ni [miss] Kris Aquino,” mababasa sa caption ni Padilla. 

Photo courtesy: Kris Aquino (IG)

Photo courtesy: Robin Padilla (FB)

Matapos ang kaniyang Miss Cosmo stint: Chelsea Fernandez, balik-Pinas na!

Kaugnay ito ng ibinahaging larawan ni Kris kung saan pinasalamatan niya ang publiko sa patuloy na pagtitiwala sa Diyos para sa kaniyang paggaling sa kaniyang Instagram account noong Miyerkules, Enero 14, 2026. 

“THANK YOU for continuing to pray for me to get better, for having FAITH that God will make all things possible,” pagsisimula niya. 

Dagdag pa niya, “I haven’t fully processed what happened, it was supposed to be a minor PICC LINE procedure BUT there was a span of time totaling almost 2 minutes when my lung stopped functioning- i stopped breathing.” 

Ani Kris, tumigil daw siya sa paghinga sa loob ng dalawang (2) sa gitna ng kaniyang Peripherally Inserted Central Catheter (PICC) line procedure. 

Nagawa ring pasalamatan ni Kris ang kaniyang anesthesiologist, dalawang surgeons, at kaniyang anak na si Bimby Aquino. 

MAKI-BALITA: Surgery ni Kris Aquino, naudlot dahil sa mataas niyang blood pressure

MAKI-BALITA: 'My body is at its weakest but my spirit is still fighting!'—Kris Aquino

Mc Vincent Mirabuna/Balita