Pormal nang inilabas ng mga awtoridad ang kautusan sa pagpapa-deport sa Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy, ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla, sa isinagawang media conference nitong Huwebes, Enero 15.
Matatandaang noong Abril 2025 nang masangkot sa ilang insidente ng umano’y pangha-harass sa publiko ang vlogger, kabilang sa isang security guard sa Bonifacio Global City (BGC) habang nagsasagawa siya ng live streaming para sa kaniyang online content.
Ayon kay Remulla, natapos na ni Zdorovetskiy ang parusang ipinataw ng korte, dahilan upang ipatupad ang kasunod na hakbang ng pamahalaan: ang pagpapaalis sa kaniya sa bansa o deportation.
Bagama’t hawak raw niya ang US green card, hindi umano ito naging hadlang sa deportasyon dahil ang kaniyang pasaporte ay inisyu ng Russia.
Kaugnay na Balita: Russian vlogger na inireklamo ng harassment arestado na, posibleng ipa-deport pa!
Kaugnay na Balita: Dinakip na Russian vlogger, nahaharap sa patong-patong na criminal complaints