Nagpaabot ng pakikisimpatya si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., para sa lahat ng naging biktima at nasawi sa naganap na insidente ng Binaliw landfill landslide sa Cebu City noong Enero 08, 2026.
Sa naging pagdalo ng Pangulo sa Naming and Delivery Ceremony of Hull No. SC443 ng Tsuneishi Group Corporation sa Balamban, Cebu nitong Huwebes, Enero 15, ginamit niyang pagkakataon ang simula ng kaniyang talumpati para makisimpatya sa mga biktima ng naturang insidente.
“Before we start, let us take a moment of silence for the victims of the landfill incident in Barangay Binaliw, Cebu City last January 08,” pagsisimula niya.
Ayon kay PBBM, huwag daw mabahala ang publiko dahil patuloy ang pagsasagawa ng mga awtoridad ng search and rescue operations para sa mga naapektuhan ng pagguho ng mga basura sa naturang lugar.
“A search and rescue operations continue. We offer our prayers for the souls of the departed and strength to their grieving families,” aniya.
Dagdag pa niya, “Please be assured that the government is taking all necessary measures to ensure safety, transparency, accountability, and compassionate assistance.”
Pagpapatuloy pa ni PBBM, nagpaabot na rin daw ang pamahalaan ng burial support at iba pang uri ng tulong para sa mga biktima ng insidente.
“Burial support and other forms of aid are now being directed to those who have been affected by this tragedy,” saad niya.
“Let us stand in solidarity with our fellow Filipinos during these difficult times,” pagtatapos pa niya.
Kaugnay nito, Umabot na sa 22 ang bilang ng mga bangkay na narekober mula sa pagguho ng Binaliw landfill, ayon sa 6:32 AM update ng mga awtoridad nitong Huwebes, Enero 15.
MAKI-BALITA: Mga nasawi sa Binaliw landslide, higit 20 na; ‘Day of Mourning,’ idineklara sa Cebu City
18 indibidwal ang mga naitalang sugatan at 14 ang nawawala pa rin.
Sa pangunguna ng Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Council (CCDRRMC), nagpapatuloy ang search and retrieval operations sa Binaliw landfill.
MAKI-BALITA: ‘Cease and Desist Order,’ ibinaba ng DENR sa gumuhong landfill sa Binaliw, Cebu City
MAKI-BALITA: VP Sara nakiramay, personal na bumisita sa mga biktima ng Binaliw Landfill Landslide sa Cebu
Mc Vincent Mirabuna/Balita