January 26, 2026

Home BALITA Probinsya

Natupok na DPWH-CAR office, nag-ugat sa financial management records room!

Natupok na DPWH-CAR office, nag-ugat sa financial management records room!
Photo courtesy: Contributed photo

Nagsimula umano sa financial management records room ang sunog na sumiklab sa tanggapan ng Department of Public Works and Highways–Cordillera Administrative Region (DPWH-CAR) noong Miyerkules ng hapon, Enero 14, 2026, ayon kay Baguio City Fire Marshal Mark Anthony Dangatan.

Ayon kay Dangatan, sinubukan munang apulahin ng isang utility worker at ilang empleyado ang apoy gamit ang mga 10-pound fire extinguisher bago dumating ang mga tauhan ng Baguio City Fire Station.

Batay sa paunang ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), tinatayang nasa humigit-kumulang dalawang metro kuwadrado lamang ng bahagi ng opisina ang naapektuhan ng sunog.

Wala namang naiulat na nasaktan o nasugatang empleyado ng DPWH sa insidente.

Probinsya

Public school teacher, arestado sa drug buy-bust operation!

Nakikipag-ugnayan na ang DPWH sa BFP at sa lokal na pamahalaan ng Baguio City para sa agarang at masusing imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng sunog.

Ayon sa DPWH, maglalabas pa sila ng karagdagang detalye sa sandaling maging available ang mga impormasyon.

Samantala ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong na may ilang records umanong kasabay na natupok sa naganap na sunog sa nasabing tanggapan.

May mga konting records kaya nag-usap kami ni Sec. Vince. Pina-secure niya kaagad—nag-request siya ng mga secure kaagad. So naka-secure kaagad.” 

“Syempre hindi mo maiiwasan na mag-iisip ka rin. Bakit ba naman ito [nasunog], bakit sa records?” tanong niya. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Ilang records, dokumento kasamang natupok sa sunog sa DPWH Cordillera office!'—Magalong