Mula ika-75 na ranggo noong 2025, nasa ika-73 na ngayon ang Philippine Passport sa most powerful passport in the world, ayon sa Henley Global Passport index nitong Enero 15, 2026.
Ang pinakabagong ranggo ng Philippine Passport sa listahan ng research frim ay tumaas sa ika-73 na noo'y ika-75 sa huling quarter ng 2025.
Maaaring maglakbay ang Philippine Passport holders sa 64 na destinasyon nang walang visa.
Bukod sa Pilipinas, nasa ika-73 ranggo rin ang bansang Mongolia.
Samantala, ang bansang Singapore pa rin ang nangunguna sa listahan world's most powerful passport na may 192 visa-free score. habang ang world's weakest passport naman ay ang Afghanistan, na may visa-free score na 24.