Umabot na sa higit 20 ang bilang ng mga bangkay na narekober mula sa pagguho ng Binaliw landfill nitong Huwebes, Enero 15.
Base sa 6:32 AM update ng mga awtoridad, 22 na ang kabuoang tala ng mga nasawi.
Habang 18 indibidwal ang mga naitalang sugatan at 14 ang nawawala pa rin.
Sa pangunguna ng Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Council (CCDRRMC), nagpapatuloy ang search and retrieval operations sa Binaliw landfill.
Samantala, idineklara ang Enero 16 bilang “Day of Mourning” sa Cebu City para makiisa sa pagpanaw ng maraming manggagawa sa nasabing pagguho.
Isinailalim na rin sa State of Calamity ang lungsod noong Martes, Enero 13 para suportahan ang nagpapatuloy na search and rescue operations at upang matugunan ang isyu ng waste management rito.
MAKI-BALITA: Cebu City. isinailalim na sa State of Calamity
Matatandaan na nagbaba ng Cease and Desist Order ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) - Environmental Management Bureau (EMB) Region VII para ipatigil na ang operasyon ng Prime Integrated Waste Solutions, Inc.
Kasama rin sa naging aksyon ng ahensya ang pakikipag-ugnayan nila sa local government units (LGUs) hinggil sa implementasyon nila ng kanilang mga mandato sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 9003 at Local Government Code.
MAKI-BALITA: ‘Cease and Desist Order,’ ibinaba ng DENR sa gumuhong landfill sa Binaliw, Cebu City
Sean Antonio/BALITA