January 24, 2026

Home BALITA

Mga armas ni Atong Ang, patatanggalan na rin ng lisensya—PNP

Mga armas ni Atong Ang, patatanggalan na rin ng lisensya—PNP

Binawi na ng Philippine National Police (PNP) ang mga lisensiya sa baril ng negosyanteng si Atong Ang habang pinaigting ng mga awtoridad ang patuloy na paghahanap sa kanya.

Sa isang press conference nitong Huwebes, sinabi ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief Police Major General Robert Alexander Morico II na inirekomenda niya ang hakbang, na inaprubahan naman ni PNP acting chief Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr.

“To further facilitate ‘yung manhunt operation, we have recommended to the Chief PNP the revocation of the firearm license of Mr. Atong Ang which the Chief PNP approved,” ani Morico.

“We have communicated already with his lawyers and they were mandated to surrender these to Firearms and Explosive Office. There are six firearms na under the name of Mr. Atong Ang,” dagdag pa niya.

Metro

MMDA, dinepensahan traffic enforcer na pinagbintangang nagtatago sa kalsada

Nagpalabas na ng apat na warrant of arrest ang isang korte sa Batangas laban sa 18 akusado, kabilang si Ang, kaugnay ng maraming bilang ng kidnapping with homicide at kidnapping and serious illegal detention sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang 10 PNP personnel, kabilang ang isang sinibak na pulis, at kasalukuyang nakakulong sa Camp Crame. Pitong sibilyan naman sa walong akusado ang natunton na at nasa pangangalaga na ng CIDG Batangas.

Si Ang na lamang ang natitirang akusado na patuloy na pinaghahanap.

Ayon kay Morico, sinilbihan na ng mga awtoridad ng warrant of arrest ang apat na kilalang lokasyon na may kaugnayan kay Ang sa Metro Manila, Lipa City at Laguna noong Miyerkules, Enero 14, ngunit hindi siya natagpuan sa alinman sa mga nasabing lugar.

Patuloy pa rin ang operasyon ng pulisya upang matunton ang kinaroroonan ni Ang, ayon sa CIDG.

Sinabi rin ng CIDG na humiling na ito ng paglalabas ng Interpol red notice laban kay Ang upang mapabilis ang kanyang pag-aresto.