Isa na naman ang naging milyonaryo matapos magwagi ng mahigit ₱15 milyon sa Super Lotto 6/49 nitong Huwebes ng gabi, Enero 15, 2026.
Sa official draw results ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nasolo ng isang lotto bettor ang ₱15,840,000.00 na premyo ng 6/49 nang mahulaan nito ang winning numbers na 14-24-10-05-15-11.
Wala namang nanalo sa Lotto 6/42 na may winning combination na 22-11-06-04-20-03 na may kaakibat na premyo na ₱6,542,028.20.
Ayon sa PCSO, may isang buwan lamang ang lucky bettor upang kubrahin ang kanyang premyo mula sa kanilang punong tanggapan sa Mandaluyong City, sa pamamagitan nang pagpiprisinta ng kanyang winning ticket at dalawang balidong government IDs.
Nagpaalala rin ang PCSO na alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law, ang lahat ng lotto winnings na lampas ng ₱10,000 ay papawatan ng 20% tax.
Binobola ang 6/49 tuwing Martes, Huwebes, at Linggo, habang kada Martes, Huwebes, at Sabado naman ang 6/42.