January 25, 2026

Home BALITA

May ₱10M patong sa ulo: Atong Ang, isa na sa mga 'most wanted' sa Pilipinas!

May ₱10M patong sa ulo: Atong Ang, isa na sa mga 'most wanted' sa Pilipinas!

Inanunsiyo ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na maituturing na “number one most wanted” sa Pilipinas si Atong Ang kaugnay ng kaso ng mga nawawalang sabungero.

Sa panayam ng media kay Remulla nitong Huwebes, Enero 15, 2026, ipinaliwanag niya kung bakit ikinokonsidera nang most wanted si Ang.

“Kasama po si Atong Ang siguro maituturing natin na number one most wanted sa buong Pilipinas ngayon. He’s accused of killing over 100 missing sabungeros and he is considered armed and dangerous,” ani Remulla.

Dagdag pa ng kalihim, nag-aalok ang DILG ng ₱10 milyong pabuya para sa impormasyong magtuturo sa ikaaaresto ni Ang.

Probinsya

Higit 5k security personnel, idineploy para matiyak kaligtasan sa ASEAN Summit

“Ang DILG po ay naglalagay ng ₱10 million patong para sa kaniyang aresto. Any information leading to the arrest, conclusive arrest of Atong Ang, will merit a ₱10-million peso reward, no questions asked basta ikaw ang nagbigay ng impormasyon leading directly to the arrest,” ani Remulla.

Patuloy pa ring hinihikayat ng DILG ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad at magbigay ng impormasyon upang mapabilis ang pag-aresto sa suspek.

Dagdag pa ni Remulla, “We consider him armed and dangerous. Sabi ng abogado niya iresponsible daw ang pagsasabi ko noon. Paano ang trato mo sa pumatay ng lagpas isang daan tao, na inutos ang pagpapatay ng lagpas isang daan tao, na ang bodyguard niya ay lagpas dalawampu, kada minuto kung sa kahit saan siya pumunta?”Si Ang ay kabilang sa 18 akusadong may warrant of arrest kaugnay ng pagkawala ng mga sabungero. Ayon sa Philippine National Police (PNP), nahaharap siya sa 15 bilang ng kidnapping at serious illegal detention at apat na bilang ng kidnapping with homicide. Nasa kustodiya na ng pulisya ang iba pang 17 akusado.