January 26, 2026

Home BALITA Probinsya

Away sa manok na panabong ng isang pamilya, nauwi sa saksakan; mag-ina, patay!

Away sa manok na panabong ng isang pamilya, nauwi sa saksakan; mag-ina, patay!

Nasawi ang isang 54-anyos na ginang at ang kaniyang 34-anyos na anak na lalaki matapos umanong saksakin ng 65-anyos na padre de pamilya sa Barangay Kiraon, Damulog, Bukidnon. 

Ang motibo ng krimen ay ang pagtatalo ng mag-ama kaugnay ng panabong na manok na inilaban ng suspek.

Batay kasi sa imbestigasyon ng pulisya, nakikipag-inuman umano ang suspek nang komprontahin siya ng kaniyang anak dahil sa manok na inilaban nito sa sabong. 

Ikinagalit umano ng biktima na inilaban ng suspek ang kanilang manok kahit na mas bata ito kumpara sa kinalaban na mas malaking manok.

Probinsya

Public school teacher, arestado sa drug buy-bust operation!

Ang komprontasyon ng mag-ama, nauwi na raw sa pisikalan pagdating sa kanilang bahay.Ayon kay Police Regional Office–Northern Mindanao (PRO-10) spokesperson Police Major Joann Navarro, kinuha ng suspek ang isang hunting knife at sinaksak sa tiyan ang kaniyang anak.

Nang tangkain namang mamagitan ng kaniyang asawa, ay agad din siyang inundayan ng saksak ng suspek. Nagtamo ng saksak sa dibdib ang ginang.

Isinugod sa ospital ang mag-ina ngunit idineklarang dead on arrival ang ginang, habang pumanaw naman ang anak makalipas ang ilang oras.

Samantala, sumuko ang suspek sa barangay at inamin ang nagawang krimen. Mahaharap ang ama sa kasong parricide at patuloy pang sinisikap ng mga awtoridad na makuhanan siya ng pahayag.