January 25, 2026

Home BALITA National

Walang piyansa! Atong Ang, iba pa pinapaaresto na

Walang piyansa! Atong Ang, iba pa pinapaaresto na
Photo courtesy: Screenshot from MB (YT)

Nagpalabas ng warrant of arrest ang Regional Trial Court (RTC) Branch 26 sa Sta. Cruz, Laguna laban sa negosyanteng si Charlie “Atong” Ang at 17 iba pang indibidwal na inuugnay sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Ang naturang kautusan ay kaugnay ng kinahaharap nilang kasong "kidnapping with homicide,"  isang krimeng itinuturing na non-bailable. Bukod dito, nahaharap din si Ang sa kasong "kidnapping with serious illegal detention" kaugnay ng parehong insidente.

Matatandaang nauna nang sinabi ng Department of Justice (DOJ) noong Disyembre na nakitaan ng panel ng mga piskal ang kaso ng "prima facie evidence" at may makatwirang posibilidad ng hatol na pagkakasala laban kay Ang at sa kabuuang 21 katao.

Kaugnay na Balita: 'May sapat na ebidensya!' DOJ, aprub sa kaso laban kay Atong Ang, iba pa dahil sa lost sabungeros

National

‘Sila ay mga bayani!’ VP Sara, binigyang-pugay legasiya, alaala ng SAF 44

Kabilang sa mga inirekomendang kasuhan ang ilang pulis na umano’y sangkot sa serye ng pagdukot sa mga sabungero.

Ang mga kasong isinampa ay may kaugnayan sa hindi pa rin nalulutas na pagkawala ng ilang indibidwal na huling nakitang sangkot sa umano'y ilegal na sabong, na matagal nang tinututukan ng mga awtoridad dahil sa bigat at lawak ng umano’y krimen.

Matatandaang nagkaroon ng pagsisiwalat ang isang saksing si Julie "Dondon" Patidongan hinggil sa umano'y pagtatapon ng mga bangkay ng nawawalang sabungero sa lawa ng Taal sa Batangas. 

Kaugnay na Balita: Mga kasong isinampa ni Atong Ang sa whistleblowers, ibinasura!

Sa kasalukuyan, inaasahan ang pagpapatupad ng mga warrant habang nagpapatuloy ang proseso ng hustisya laban sa mga akusado.