January 21, 2026

Home SHOWBIZ

Vinz Jimenez, itinanggi na isa siyang clout chaser

Vinz Jimenez, itinanggi na isa siyang clout chaser
Photo Courtesy: Screenshot from Ogie Diaz (YT), Vinz Jimenez (FB)

Sumagot ang kontrobersiyal na si Vinz Jimenez sa paratang na isa raw siyang clout chaser matapos niyang ilabas ang resibo ng panggogoyo sa kaniya ng babaeng niligawan.

Sa latest episode ng “Ogie Diaz Inspires” noong Martes, Enero 13, sinabi ni Vinz na ilang ulit na raw siyang naglabas ng mga patunay sa social media kung totoong clout chaser siya.

“Kung clout chaser ako siguro marami nang beses nangyari ’to; itong ganitong bagay. Pero ngayon lang nila ako nakilala, e. Ngayon lang pumutok ‘yong pangalan ko, e,” saad ni Vinz.

Dagdag pa niya, “Sabi ko nga rin sa post, ayaw ko ng drama. Naki-cringe ako no’ng tina-type ko ‘yong post na ‘yon. May nangyaring ganitong cheating din no’ng high school. Pero di ko pino-post.”

Teleserye

Higop King Supremacy! Leading ladies na 'hinigop' ni Joshua Garcia sa teleserye

Ayon kay Vinz, hindi lang daw kasi siya basta niloko, ginamit din daw siya nito.

“I don’t want to tolerate that. Siguro, enough is enough. Dapat itong maging awareness sa iba,” dugtong pa niya.

Matatandaang kasagsagan ng holiday season noong 2025 nang pagkaguluhan ng mga netizen ang pasabog ni Vinz. 

Na-caught off guard ni Vinz ang babaeng niligawan matapos niyang yayain magkita sila dala ang screenshots na ibinalot pa talaga niya bilang regalo para magmukhang sorpresa.

Maki-Balita: Boylet, sinorpresa ng 'resibo' nililigawang gerlalu na may ka-live in pala!