January 24, 2026

Home BALITA

Unang bagyo sa 2026! LPA, ganap nang bagyong 'Ada'

Unang bagyo sa 2026! LPA, ganap nang bagyong 'Ada'
DOST-PAGASA

Ganap nang bagyong "Ada" ang low pressure area (LPA) sa Mindanao, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nitong Miyerkules, Enero 14, ang kauna-unahang bagyo ngayong 2026.

Ayon sa PAGASA, ang "Ada" ay isang Filipino term na ang ibig sabihin ay "diwata." 

Ito rin ang unang beses na gagamitin ng ahensya ang naturang ngalan.

Huling namataan. ang bagyo 650 kilometers East of Hinatuan, Surigao del Sur. May taglay itong lakas ng hangin na 45 kilometers per hour (kph) at pagbugsong 55 kph. 

2 dambuhalang sawa, nahuli sa kisame ng magkaibang bahay, 1 sa kanila, nakalunok ng tuta!

Kumikilos ito pa-hilagang kanluran sa bilis na 35 kph.

Dagdag pa ng PAGASA, inaasahang lumakas bilang tropical storm si "Ada" sa loob ng 24 na oras. Hindi rin inaalis ang posibilidad na mag-landfall ito sa bahagi ng Samar Island o sa Catanduanes pagsapit ng Biyernes hanggang Sabado. 

Nakataas na ang tropical cyclone wind signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:

Northern Samar
Samar
Eastern Samar
Dinagat Islands
Surigao del Norte
Surigao del Sur