January 23, 2026

Home BALITA

'Two counts pa!' Enrique Razon, sinampolan ng cyber libel case si Rep. Barzaga

'Two counts pa!' Enrique Razon, sinampolan ng cyber libel case si Rep. Barzaga
Larawan mula sa Facebook ni Kiko Barzaga

Naghain ng reklamong two counts of cyber libel ang kampo ng negosyanteng si Enrique Razon laban kay Cavite 4th District Representative Kiko Barzaga nitong Miyerkules, Enero 14, 2026.

Larawan mula sa PTV/FB

Larawan mula sa PTV/FB

Ito ay nag-ugat umano sa pahayag ni Barzaga kamakailan na tumanggap diumano ng “bribe" noong Halalan 2025 ang mga congressman na miyembro ng National Unity Party (NUP) mula kay Razon.

Ayon sa naging pahayag ni Barzaga sa kaniyang Facebook post noong Enero 6, diretsahan niyang sinabing tumanggap umano ng "bribe" ang mga mambabatas na miyembro ng NUP kapalit ng pagsuporta nila kay Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez. 

Metro

Sec. Dizon, tiniyak maiibsan lagpas-taong baha sa Araneta, QC bago ang tag-ulan

“NUP Congressmen received bribes from Enrique Razon in various gatherings in Solaire prior to the 2025 elections in exchange for supporting Speaker Martin Romualdez,” mababasa sa post ni Barzaga na ngayo'y burado na.

Bago ito, nauna na rin sabihin ni Barzaga sa publiko na si Razon diumano ang “mastermind” ng korapsyon sa Kongreso.

“Enrique Razon is the mastermind behind the corruption in Congress, I will disclose everything in a speech once I return on the first week of February,” anang mambabatas.

Maki-Balita: Sey ni Barzaga: NUP Congressmen, tumanggap umano ng 'lagay' kay Enrique Razon kapalit ng suporta kay Romualdez

Samantala, sinabi ni House Deputy Speaker at NUP Chairperson Ronaldo Puno kamakailan na walang basehan ang pahayag ni Barzaga at handa ring magsampa ng kaso laban sa kongresista.

As of this posting, wala pang pahayag si Barzaga kaugnay sa kasong isinampa laban sa kaniya.