January 25, 2026

Home BALITA

'The sooner, the better!' Rep. Barzaga, handang harapin si Enrique Razon

'The sooner, the better!' Rep. Barzaga, handang harapin si Enrique Razon
Larawan mula sa Facebook page ni Kiko Barzaga

Handang harapin ni Cavite 4th District Representative Kiko Barzaga sa korte ang negosyanteng si Enrique Razon matapos itong magsampa ng kaso laban sa kaniya nitong Miyerkules, Enero 14, 2026.

"I am prepared to face Enrique Razon in court, the sooner, the better!" ani Barzaga sa kaniyang Facebook post. Mayroon pa itong #IkulongSiRazon sa dulo ng post.

screenshot mula sa Facebook page ni Barzaga

Ang naturang pahayag ay kaugnay sa pagsampa ng reklamong two counts of cyber libel ng kampo ni Razon laban kay Barzaga.

2 dambuhalang sawa, nahuli sa kisame ng magkaibang bahay, 1 sa kanila, nakalunok ng tuta!

Ito ay nag-ugat umano sa naging pahayag ni Barzaga sa kaniyang Facebook post noong Enero 6, kung saan diretsahan niyang sinabing tumanggap umano ng "bribe" ang mga mambabatas na miyembro ng NUP mula kay Razon, kapalit ng pagsuporta nila kay Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez. 

Maki-Balita: 'Two counts pa!' Enrique Razon, sinampolan ng cyber libel case si Rep. Barzaga