January 23, 2026

Home BALITA National

Sen. Ping, bibigyan 1 oras si Sen. Imee kung may ebidensya vs Romualdez!

Sen. Ping, bibigyan 1 oras si Sen. Imee kung may ebidensya vs Romualdez!
Photo courtesy: Senate of the Philippines (YT), MB FILE PHOTO

Tila bukas umanong bigyan ni Senate Pro Tempore Panfilo "Ping" Lacson si Sen. Imee Marcos ng isang (1) oras para ilahad lahat ng kaniyang pinanghahawakan laban kay dating House Speaker Martin Romualdez. 

Ayon kay Lacson, sa isinagawa niyang press conference sa Kapihan sa Senado nitong Miyerkules, Enero 14, nabanggit niya sa gitna ng kaniyang pagpapaliwanag tungkol sa kaso ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Manuel Bonoan si Romualdez. 

“Halimbawa si [former House] Speaker Romualdez, sa ngayon as we speak, wala naman talagang direct nag-implicate sa kaniya except Guteza,” pagbabanggit niya. 

Ani Lacson, matibay raw sana ang mga akusasyon na inilahad ni Orly Guteza kung tumuloy itong ipakita sa Office of the Ombudsman at Department of Justice (DOJ) ang kaniyang affidavit. 

National

VP Sara, FPRRD pinag-usapan 15 nawawalang indibidwal sa Davao Occ

“Matibay sana kung si Guteza [ay] nandiyan, nagpunta sa DOJ, sa Ombudsman, at nag-affirm ng kaniyang affidavit…” aniya. 

Pagtukoy naman ni Lacson kay Marcos, puwede raw siyang dumalo sa nakatakdang muling pagdinig nila sa Senate Blue Ribbon Committee sa darating na Lunes, Enero 19, 2026, kung may ebidensya raw siya laban kay Romualdez. 

“Ngayon, kung may meron si Sen. Imee na ebidensyang maipapakita [ay] most welcome siyang mag-attend. H’wag lang kaming siraan na pinagbabawalan na i-implicate si former [House] Speaker Romualdez,” saad niya. 

“Sa Lunes, kung mayroon siyang pinanghahawakan, pumunta siya kung gusto niya [at] bibigyan ko siya ng isang oras para ilahad lahat ‘yong kaniyang ebidensya. Kung meron,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, wala pa naman inilalabas na tugon, reaksyon, o pahayag si Marcos kaugnay sa imbitasyon ni Lacson. 

MAKI-BALITA: Buwelta ni Sen. Imee kay Sen. Ping: 'Desisyon ng tao kung gusto niyang magpagawa!'

MAKI-BALITA: Sen. Ping, binarda pahayag ni Sen. Imee na pakikipagsabunutan: 'Walang peke sa mukha ko!'

Mc Vincent Mirabuna/Balita