January 26, 2026

Home BALITA National

Sen. Imee, sinupalpal si Sen. Ping: 'Di ko kailangan ng isang oras para magsabi ng totoo!'

Sen. Imee, sinupalpal si Sen. Ping: 'Di ko kailangan ng isang oras para magsabi ng totoo!'
Photo courtesy: Senator Imee Marcos (FB), Senate of the Philippines (YT)

Agad na sumagot si Sen. Imee Marcos sa imbitasyon sa kaniya ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na dumalo sa pagdinig nila tungkol sa imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects kung sakaling may ebidensya man umano siya laban kay dating House Speaker Martin Romualdez. 

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Ping, bibigyan 1 oras si Sen. Imee kung may ebidensya vs Romualdez!

Ayon sa naging pahayag ni Marcos sa kaniyang Facebook post nitong Miyerkules, Enero 14, binalikan niya ang umano’y huli niyang pagpunta sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kung saan binigyan lang daw siya ng 10 minuto para magsalita. 

“Noong huli akong pumunta, 10 minutes lang hindi niya pinahintulutan, kahit pa binigay na ni Sen. Bato ang oras niya sa akin,” buwelta niya. 

National

Mike Defensor, may hinuha sa di-pagtanggap sa impeachment complaint nila vs PBBM

Photo courtesy: Senator Imee Marcos (FB)

Photo courtesy: Senator Imee Marcos (FB)

Pagdidiin pa ni Marcos, hindi raw niya kailangan ng isang (1) oras para magsabi ng totoo at kulang din daw iyon para magsinungaling. 

“Hindi ko kailangan ang isang oras para magsabi ng totoo pero KULANG NA KULANG ANG ISANG ORAS PARA MAGSINUNGALING,” aniya. 

“Balato ko na sa kanila 'yan,” pagtatapos pa niya. 

Matatandaang sinabi ni Lacson kay Sen. Imee Marcos na bibigyan siya ng isang (1) oras para ilahad lahat ng kaniyang pinanghahawakan laban kay Romualdez sa ginanap na “Kapihan sa Senado” nito ng Miyerkules.

“Ngayon, kung may meron si Sen. Imee na ebidensyang maipapakita [ay] most welcome siyang mag-attend. H’wag lang kaming siraan na pinagbabawalan na i-implicate si former [House] Speaker Romualdez,” saad niya. 

“Sa Lunes, kung mayroon siyang pinanghahawakan, pumunta siya kung gusto niya [at] bibigyan ko siya ng isang oras para ilahad lahat ‘yong kaniyang ebidensya. Kung meron,” pagtatapos pa niya.

MAKI-BALITA: Sen. Ping, bibigyan 1 oras si Sen. Imee kung may ebidensya vs Romualdez!

MAKI-BALITA: Buwelta ni Sen. Imee kay Sen. Ping: 'Desisyon ng tao kung gusto niyang magpagawa!'

Mc Vincent Mirabuna/Balita