Nagbahagi ng isang tribute ang aktres at komedyanang si Rufa Mae Quinto para sa kaniyang namayapang mister na si Trevor Magallanes, bilang paggunita sa ika-10 anibersaryo ng kanilang kasal.
Sa ibinahaging social media post ni Rufa noong Martes, Enero 13, mababasa ang kaniyang pasasalamat kay Trevor sa buhay ng kanilang anak na si Athena.
“Ang mga larawang ito ay ang memories kung Paano ko po pinanganak, at inalagaan si Athena , hands on and Wala po kami yaya , kami lang mag asawa ang nag Alaga, nagpalaki , hands on parents kami. Kaya Nanini bago pa ako mag - artista ng Todo ulit , naging ordinary person lang ako sa America )pinaka maganda at masaya na naganap sa buhay ko , maging Ina,” panimula ni Rufa.
Dagdag pa niya, “Salamat sa pang habang buhay na Ikaw , Trev! Mula sa tummy ko siya inalagaan ko ng mabuti dala na din ng sobrang pag mamahalan natin, ( happy anniversary! Naging kami po January 9 ,2016 bago ako umuwi sa Pi pero bumalik din ako ng January 13 , 2016 sa America para mag pa kasal at di na po kami nag hiwalay mula noon.3 days lang ako sa Pinas bumalik na ako sa Sf agad at mag pa Kasal! Ganoon Kadali , ka gaan at bilis saamin ang Lahat.”
Hindi niya ring napigilang ihayag ang kaniyang pangungulila sa yumaong asawa.
“Salamat for giving me Athena , kitang kita ko ang Lahat ng Ikaw sa kanyang mga mata , ugali, tawa, mukha, smile, magsalita, kamay , Boses , kuko, Lahat na. We miss you physically, , pero alam namin kasama ka namin parati . Andyan lang watching our daughter,” aniya.
“Patuloy mo akong alalayan sa mga pangarap natin para kay Athena , Paano pa lakihin sya ng Masaya , mabait, matalino, cute, funny. . Healthy wealthy way to go go go! Magandang umaga, happy new year, happy 3 kings , happy Chinese new year..happy Valentine’s..Day, advance happy birthday,” pagtatapos niya.
Matatandaang inanunsyo ni Rufa ang pagkamatay ng mister noong Hulyo 2025.
MAKI-BALITA: Mister ni Rufa Mae Quinto na si Trevor Magallanes, sumakabilang-buhay-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA