January 24, 2026

Home BALITA National

PNP, laging handa sa mga puwedeng maganap sa filing ng impeachment case—Nartatez

PNP, laging handa sa mga puwedeng maganap sa filing ng impeachment case—Nartatez
Photo courtesy: Bongbong Marcos/FB, RTVM/YT, OVP/FB


Tiniyak ni Acting Philippine National Police (PNP) Chief Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr. na laging handa ang kanilang ahensya na ipalaganap ang “public safety” sa gitna ng mga senaryong maaaring maganap kung sakaling matuloy ang paghahain ng impeachment cases, na matunog daw na gagawin sa Pebrero.

Kaugnay din ito sa mga napaulat na umano’y impeachment complaint na ihahain laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.

KAUGNAY NA BALITA: 'Kung sino dapat na managot, dapat na managot!' PBBM, itatratong 'flood control probe' bagong impeachment case ni VP Sara-Balita

“[Ang] Philippine National Police ay laging handa po for any eventualities—especially management of activities like that,” sagot ni Nartatez sa isinagawang press briefing ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Miyerkules, Enero 14.

Dagdag pa niya, “We are ready to ensure public safety and implement relative laws relative to that activity.”

Binigyang-diin din niya ang kanilang kahandaan sa pagsisiguro na ligtas ang lugar ng posibleng impeachment—pati na rin ang mga taong sangkot sa aktibidad na ito.

“E ang activity na ‘yan is impeachment, and therefore, we’re gonna secure the place kung saan magkakaroon ng impeachment—and of course, secure the necessary activity plus the personality—and we are ready for that,” aniya.

Matatandaang binakbakan ng Palasyo ang ‘di umano’y planong impeachment laban kay PBBM.

“Ang Pangulo naman, handa naman po sa lahat ng pagkakataon dahil siya po ay gumagalang sa Konstitusyon—gumagalang po siya sa proseso. Pero kung pag-uusapan po natin ay breach of public trust na nabanggit ito tungkol sa ‘di umanong pagpirma sa GAA, ang Pangulo po, unang una, hindi po siya nagnakaw ng pera,” saad ni Palace Press Officer at PCO Undersecretary Atty. Claire Castro sa press briefing ng PCO kamakailan.

MAKI-BALITA: 'Ang Pangulo ay walang Mary Grace Piattos!' Palasyo, binakbakan planong impeachment kay PBBM-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA