January 26, 2026

Home BALITA Probinsya

Narekober na bangkay sa Binaliw landfill landslide, umakyat sa 16; 20 pa nawawala

Narekober na bangkay sa Binaliw landfill landslide, umakyat sa 16; 20 pa nawawala
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Umakyat na sa kabuuang bilang na 16 ang mga narekober na katawan mula sa naging insidente ng Binaliw landfill landslide sa Cebu City noong Enero 8, 2026. 

Ayon sa mga ulat nitong Miyerkules, Enero 14, tatlong katawan ng lalaki ang muli pang natagpuan ng mga awtoridad bandang 9:45 ng umaga nito ring Miyerkules. 

Pagkukumpirma ni Councilor Dave Tumulak, head ng Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Council (CCDRRMC), natagpuan ng awtoridad ang nasabing bangkay ng mga lalaki sa may A at B sector sa likurang bahagi ng warehouse area sa Binaliw landfill. 

Dahil dito, umabot na sa 16 ang kabuuang bilang ng mga nasabi sa naturang insidente habang 20 indibidwal naman ang patuloy pang hinahanap ng mga awtoridad. 

Probinsya

Public school teacher, arestado sa drug buy-bust operation!

Matatandaang na nagbaba ng “Cease and Desist Order” ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) - Environmental Management Bureau (EMB) Region VII nitong Lunes, Enero 12, para mahinto ang operasyon sa gumuhong landfill noong Huwebes, Enero 8.

MAKI-BALITA: ‘Cease and Desist Order,’ ibinaba ng DENR sa gumuhong landfill sa Binaliw, Cebu City

Tiniyak din ng noon ng DENR EMB Region VII na nakikipag-ugnayan na sila sa local government units (LGUs) upang mapag-usapan ang kanilang mga kasalukuyang direktiba sa waste management at kanilang 10-year Solid Waste Management Plan para maiwasan nang may maulit na kaparehong insidente sa hinaharap.

MAKI-BALITA: Mga narekober na katawan sa Binaliw landslide, pumalo na sa 11; mga nawawala, 25 pa

MAKI-BALITA: VP Sara nakiramay, personal na bumisita sa mga biktima ng Binaliw Landfill Landslide sa Cebu

Mc Vincent Mirabuna/Balita