January 26, 2026

Home BALITA

Naghabilin na! Barzaga bet ibigay pera, ari-arian sa stray animals 'pag napatay sa pagbangga kay Razon'

Naghabilin na! Barzaga bet ibigay pera, ari-arian sa stray animals 'pag napatay sa pagbangga kay Razon'

Idinaan ni Cavite 4th district Rep. Kiko Barzaga sa Facebook post ang kaniyang hiling, kung sakali raw na mapatay siya sa pakikipagtunggali niya sa business magnate na si Enrique Razon.

Sa isang post na inilabas ni Barzaga, sinabi ng mambabatas: “If I am to be killed fighting Enrique Razon, I want all of my money and property to go to stray animals.”

Ang cyberlibel case ay isinampa ni Razon kaugnay ng mga umano’y mapanirang pahayag ni Barzaga na iniuugnay ang negosyante sa katiwalian. 

Mariing itinanggi ni Razon ang mga alegasyon at iginiit na walang basehan ang mga paratang laban sa kanya.

Probinsya

4-anyos na bata, patay matapos lunurin ng sariling ina!

KAUGNAY NA BALITA: 'Two counts pa!' Enrique Razon, sinampolan ng cyber libel case si Rep. Barzaga

Matatandaang nitong Miyerkules din ng tuluyang magsampa ng reklamong cyberlibel si Razon laban kay Barzaga bunsod ng mga tirada ng naturang kongresista sa kaugnayan umano niya sa ilang mambabatas.

Ayon sa naging pahayag ni Barzaga sa kaniyang Facebook post noong Enero 6, diretsahan niyang sinabing tumanggap umano ng "bribe" ang mga mambabatas na miyembro ng NUP kapalit ng pagsuporta nila kay Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez. 

Samantala, sa hiwalay na pahayag nitong Miyerkules, iginiit ni Barzaga na nakahanda raw siyang ituloy ang pakikipaglaban kay Razon at sinabing dadalhin niya sa korte ang alegasyon niyang bribery laban sa nasabing negosyante.

“I will be taking the Enrique Razon bribery case to the court,” ani Barzaga.

Dagdag pa ng mambabatas, “I will be presenting the evidence of my claims in both Congress and in Court.”

KAUGNAY NA BALITA: Rep. Barzaga, handang maglatag ng ebidensya laban kay Razon