January 26, 2026

Home BALITA

Buwelta ni Sen. Imee kay Sen. Ping: 'Desisyon ng tao kung gusto niyang magpagawa!'

Buwelta ni Sen. Imee kay Sen. Ping: 'Desisyon ng tao kung gusto niyang magpagawa!'
Photo Courtesy: via MB

Nagpakawala ng banat si Sen. Imee Marcos kay Senate President Pro Tempore Ping Lacson matapos nitong sumagot tungkol sa pagiging bakla at pagpapagawa ng mukha.

Sa latest Facebook post ni Sen. Imee nitong Miyerkules, Enero 14, nilinaw niyang hindi umano niya sinabihang bakla si Sen. Ping.

"Hindi ko naman sinabihang bakla siya, pero napakababaw pala ng kahulugan niya sa kung ano ang ibig sabihin ng tunay na lalaki," anang senadora.

"Walang masama sa pagiging bakla," pagpapatuloy niya, "at ganoon din sa pagpapa-enhance ng kahit ano para sa sarili mo."

Trillanes, nagpasalamat kay Ogie Diaz matapos supalpalin si Belgica

Dagdag pa ni Sen. Imee, "Desisyon ng tao kung gusto niyang magpagawa ng kahit ano sa sarili niya. Desisyon niya kung gusto niyang sirain ang mukha, pangalan, at dignidad niya. Parehas 'yang natatanong ng 'magkano?'"

Matatandaang nag-ugat ang giriang ito ng dalawa matapos akusahan ni Sen. Ping si Sen. Imee kaugnay sa pagkakaroon umano nito ng kontrobersiyal na allocables.

Kinlaro ng senadora na pawang "wishlist" lamang umano ang halaga ng allocables na idinidiin sa kaniya at hindi raw nabigyan ang mga posisyon.

Humirit pa siya na baka makipaglaban ng sabunutan si Sen. Ping sa kaniya.

Aniya, “Parang masyadong gigil itong si Senator Ping sa akin, baka makipagsabunutan-sure akong talo ako diyan!"

Maki-Balita: Baka makipagsabunutan! Sen. Imee, pumalag sa akusasyon ni Sen. Ping na may 'allocables' din siya

Sinagot naman ito ng Senate President Pro Tempore sa isang press briefing kung saan iginiit niyang hindi siya bakla at wala anomang peke sa kaniyang mukha.

“Uulitin ko, walang peke sa anomang bahagi ng aking mukha. Lalong hindi ako bakla!” saad ni Sen. Ping.

Maki-Balita: Sen. Ping, binarda pahayag ni Sen. Imee na pakikipagsabunutan: 'Walang peke sa mukha ko!'