January 26, 2026

Home BALITA

BI, nagpaalala kontra love scams na ginagamit pangalan ng ahensya

BI, nagpaalala kontra love scams na ginagamit pangalan ng ahensya
Photo courtesy: MB


Nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) kaugnay sa umano’y love scams na ginagamit ang pangalan ng kanilang ahensya.

“The Bureau of Immigration (BI) has warned the public against online love scams that falsely use the name and authority of the agency to extort money from unsuspecting victims,” saad ng BI sa ulat na ibinahagi nila noong Martes, Enero 13.

Nagsimula raw ito noong may isang babae na personal na tumungo sa kanilang tanggapan upang iberipika ang natanggap nitong email na ‘di umano’y mula sa isang opisyal ng immigration.

Laman ng naturang email ang impormasyon patungkol sa isang parcel na ‘di umano’y galing sa kaniyang kasintahan na nasa ibang bansa. Ngunit ito raw ay hinarang ng BI, sa ilalim ng “Ministry of Interior,” at inoobliga siyang magbayad upang maipadala.

“The BI clarified that the email was fraudulent and forms part of a romance or love scam scheme. The agency stressed that it does not intercept parcels, facilitate deliveries, or collect fees for the release of packages, and that it does not operate under a ‘Ministry of Interior,” paglilinaw nila.

Dagdag pa nila, “These scammers deliberately misuse the name of the Bureau of Immigration and invent official-sounding processes to make their stories appear legitimate. The public is reminded that the Bureau’s mandate is limited to immigration control and border management, and not the handling or clearance of parcels.”

Pinaalalahanan ng ahensya ang publiko na maging mapagmatyag sa mga ganitong uri ng sitwasyon, at matutong alamin ang katotohanan sa likod dito—at iulat sa mga kinauukulan ang mga natatanggap na kahina-hinalang mga mensahe.

Inendorso na rin ng BI ang insidenteng ito sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) at sa National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Division para sa mas masusing imbestigasyon.

Vincent Gutierrez/BALITA

National

Ogie Diaz, pinalagan sinabi ni Greco Belgica na hayaan mga 'tunay na lalaki' sa gobyerno