January 24, 2026

Home BALITA Politics

Barzaga should explain! Razon, kinuwestiyon yaman ng mga Barzaga

Barzaga should explain! Razon, kinuwestiyon yaman ng mga Barzaga

Nagbigay ng pahayag ang negosyanteng si Enrique Razon laban kay Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga, kung saan hinamon niya ang mambabatas na ipaliwanag ang pinagmulan ng umano’y yaman niya at ng kaniyang pamilya.

Sa isang pahayag na inilabas nitong Enero 14, 2026 kasabay ng paghahain niya ng two counts of cyberliber laban kay Barzaga, sinabi ni Razon na dapat umanong magpaliwanag ang kongresista kung saan nanggaling ang kayamanan g kanilang pamilya.

“Barzaga should explain where their wealth comes from. He is a politician from a family that is only in politics—how did they become wealthy? Where does the cash that he posts in pictures come from?” ani Razon.

Dagdag pa niya, hindi umano karapat-dapat na manatili sa Kongreso ang mambabatas. “He belongs in another kind of institution, not Congress” pahayag pa ni Razon.

Politics

Supporters ni ex-VP Leni, PBBM pinagsasanib-pwersa ni Trillanes sa 2028

Ang naturang pahayag ay lumabas sa gitna ng umiinit na alitan sa pagitan ng dalawa, kasunod ng paghahain ni Razon ng cyberlibel complaint laban kay Barzaga kaugnay ng mga naunang paratang ng mambabatas na iniuugnay ang negosyante sa umano’y panunuhol at katiwalian.

Matatandaang nitong Miyerkules din ng tuluyang magsampa ng reklamong cyberlibel si Razon laban kay Barzaga bunsod ng mga tirada ng naturang kongresista sa kaugnayan umano niya sa ilang mambabatas.

Ayon sa naging pahayag ni Barzaga sa kaniyang Facebook post noong Enero 6, diretsahan niyang sinabing tumanggap umano ng "bribe" ang mga mambabatas na miyembro ng NUP kapalit ng pagsuporta nila kay Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Two counts pa!' Enrique Razon, sinampolan ng cyber libel case si Rep. Barzaga