January 26, 2026

Home BALITA Politics

'Walang arte!' Aiko binida pagbisita kay VP Sara, 'Madam President' na ang tawag

'Walang arte!' Aiko binida pagbisita kay VP Sara, 'Madam President' na ang tawag
Photo courtesy: Aiko Melendez/FB

Usap-usapan ang naging pagbisita ng aktres at Quezon City councilor na si Aiko Melendez sa opisina ni Vice President Sara Duterte, na tinawag na niyang "Madam President."

Sa naturang pagbisita, ibinahagi ni Aiko sa kaniyang Facebook post nitong Martes, Enero 13, na nagkaroon sila ng isang makabuluhan at taos-pusong pag-uusap ng Pangalawang Pangulo, nang bisitahin niya ito sa opisina.

Ayon kay Aiko, labis niyang hinangaan ang kasimplehan at pagpapakumbaba ni Inday Sara, bagay na bihira raw makita sa mga lider sa mataas na posisyon.

Aniya, nakakagaan daw ng pakiramdam ang makausap ang isang lider na marunong makinig at tunay na may malasakit sa kapwa.

Politics

‘Di nakakuha ng definite commitment!’ Makabayan Bloc, naipasa na 2nd impeachment complaint kay PBBM

Photo courtesy: Screenshot from Aiko Melendez/FB

"Nagkaroon ako ng pagkakataong bumisita sa opisina ni Madam President Inday Sara Duterte at magkaroon ng isang makabuluhan at taos-pusong pag-uusap," aniya.

"Isa sa mga labis kong hinangaan ay ang kanyang pagiging simple at mapagkumbaba. Napaka-accommodating niya at napaka-candid kausap walang arte, totoo, at bukas ang loob. Nakakagaan ng pakiramdam na makausap ang isang lider na marunong makinig at may malasakit."

"Maraming salamat sa oras, sa mga pananaw na ibinahagi, at sa isang makabuluhang pagkikita. Salamat sa iyong oras po Makaka asa po kayo ng patuloy na aking Respeto at paghanga po," aniya pa.

Hindi naman ibinahagi ni Aiko ang paksa ng kanilang makabuluhan at taos-pusong pag-uusap at kung bakit siya dumalaw sa opisina ng VP Sara.

Hindi ito ang unang beses na nag-appreciation post si Aiko patungkol kay VP Sara.

Isiniwalat ni Aiko na matagal na raw silang magkakilala ng Bise Presidente at mayroon pa silang personal na palitan ng mensahe.

Ayon sa aktres, isa sa pinakahinahangaan niya kay VP Sara ay ang paraan ng pakikitungo niya sa mga taong humihingi ng tulong—maliit man o seryosong usapin.

Sa huli, nagpahayag ng paniniwala ang aktres na darating ang tamang panahon para kay VP Sara at ang Diyos mismo ang gagabay sa landas na nararapat para rito.

Hindi man tinukoy, naniniwala ang mga netizen na ang tinutukoy rito ng aktres at public servant ay posibilidad na maging susunod na pangulo ng bansa si VP Sara, pagkatapos ng termino ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., kung siya ay kakandidato.

"At higit sa lahat, kapag tama na ang panahon at oras para sa inyo, ang Panginoon mismo ang hahawi ng daan kung saan kayo talaga nararapat," aniya.

“Mabuhay po kayo, at tunay na kulang ang salitang salamat,” pagtatapos ni Aiko.

Sinagot din ni Aiko ang isang tanong sa kaniya kung anong ginawa niya noong magkarelasyon pa sila ni Zambales 1st District Rep. at Deputy Speaker Jay Khonghun, at binabanatan nito si VP Sara.

Paliwanag ni Aiko, "Magkaiba ang personal relationships at political positions. Noong kami pa ni Cong. Khonghun, malinaw sa akin na may kanya-kanya kaming paninindigan, pananaw, at responsibilidad lalo na sa larangan ng pulitika. Hindi ko kailanman inako o isinapuso ang opinyon ng isang partner bilang sarili kong paniniwala, lalo na kung hindi ito tugma sa aking prinsipyo. Kung inyong naalala sumuporta ako ke Senator Marcoleta out of my own free will."

Kaugnay na Balita: 'Tapang bilang babae, 'di matatawaran!' Story time ni Aiko tungkol kay VP Sara, umani ng reaksiyon

Marami naman sa mga netizen ang humihikayat kay Aiko na tanggapin ang role bilang VP Sara kung sakaling magkakaroon ng biopic movie patungkol kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.