January 25, 2026

Home BALITA National

Tapat sa Pangulo? AFP, 'no need' daw ng 'loyalty check' sa iba pang opisyal

Tapat sa Pangulo? AFP, 'no need' daw ng 'loyalty check' sa iba pang opisyal
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Tila hindi na raw kailangan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na magsagawa ng “loyalty checking” matapos ang pag-withdraw ng isang Colonel ng katapatan at suporta para kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. 

KAUGNAY NA BALITA: PA colonel binawi umano ang suporta kay PBBM: 'Sobra na, tama na!'

Ayon sa isinagawang press conference sa pangunguna ni AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla nitong Martes, Enero 13, sinabi niyang “under inquiry” at “premature” pa lang ang mga kasong maaaring ihain kay Philippine Army (PA) officer Col. Audie A. Mongao, matapos nitong ipahayag sa publiko ang pagbawi niya ng suporta kay PBBM. 

“As I said kanina ‘no, ang status po nito is under inquiry as of this time. So premature pa po to determine any charges that would be filed," saad niya. 

National

Sen. Estrada sa ₱800 wage hike ng mga kasambahay: 'A great help'

Nilinaw rin sa publiko ni Padilla na nananatiling may pakialam ang mga commanders ng militar sa mga nangyayari sa kanilang hukbo at ganoon din ang kanilang Chief of Staff. 

Dahil umano rito, hindi na kailangang magsagawa pa ng AFP ng loyalty check para sa kanilang hukbo at iba pang mga opisyal para sukatin ang katapatan nila sa Pangulo at sa pamahalaan. 

“‘Yong monitoring natin is continuously being conducted. Ang commanders natin are very well burst on the situation on the ground.Ganoon din po ang tiwala ng ating Chief of Staff sa ating mga ground commanders,” paliwanag niya. 

“So there is no need for any loyalty check,” pagtatapos pa niya. 

Matatandaang nag-withdraw umano ng suporta si Mongao kay PBBM noong Biyernes, Enero 9, 2026 na isinawalat sa publiko ni UPI Convenor at retired Air Force General Romeo Poquiz. 

MAKI-BALITA: PA colonel binawi umano ang suporta kay PBBM: 'Sobra na, tama na!'

Makikita sa naturang Facebook post ang mensahe umano ni Mongao.

"I, Col. Audie A. Mongao O-10933 INF (MNSA) PA, is withdrawing my personal support to our President and Commander in Chief, Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr!" nakasaad sa mensahe na makikita umano sa social media account ni Mongao.

"Sobra na, tama na! The Filipino people is worth fighting for," giit pa ni Mongao.

MAKI-BALITA: Col. Audie Mongao, sinibak sa puwesto matapos bawiin umano ang suporta kay PBBM

Mc Vincent Mirabuna/Balita