January 26, 2026

Home SHOWBIZ Events

Mga pinatangkad, mag-ingay! Viva Hot Babes, nagpaplano na rin ng reunion concert?

Mga pinatangkad, mag-ingay! Viva Hot Babes, nagpaplano na rin ng reunion concert?
Photo courtesy: Maui Taylor/IG

Mukhang matapos ang matagumpay na reunion concert ng iconic all-female group na "SexBomb Girls" na hindi lang isang beses kundi umabot sa rAWnd 5 dahil sa insisted public demand, ikakasa na rin ang reunion concert ng kanilang katapat noon na "Viva Hot Babes."

Iyan ang nabanggit ng isa sa mga miyembro nito noon na si Andrea Del Rosario, nang sumalang siya sa "Fast Talk with Boy Abunda" kamakailan.

Para sa mga hindi nakakaalam at hindi na sila naabutan, ang Viva Hot Babes ay sumikat sa novelty song nilang "Bulaklak" na kinanta nina Andrea, Katya Santos, Maui Taylor, Sheree, Jen Rosendahl, at iba pa.

Buking ni Andrea, may lumapit daw sa kaniya habang nasa mall siya, at inurirat kung kailan naman magaganap ang reunion concert nila.

Events

Bb. Pilipinas 1989 Sara Jane Paez, pumanaw na

“Nandoon ako sa mall, 'tapos, may madaming nakapilang mga tao for their show the SexBomb Girls, na-recognize nila ako. And then, 'yong mga fans tinanong ako ng, 'Ma'am kailan po kayo?"

"Sabi ko, 'Pinaplano namin pero iisip lang kami ng gimmick, guys, 'cause we are not dancers," anang Andrea.

"We acknowledge kasi that we are not very good dancers like them [SexBomb Girls]. We are actresses, models, we were brought all together, and boom, Viva Hot Babes."

“Of course, we'd love to, we've been doing a lot of out-of-town shows with the Hot Babes naman. It is just that, siyempre, 'yong iba naging public service. Like ako, soap opera.”

“Now we just have to sit down one of these days, hopefully, one of these days. And hopefully... you never know, right?”

Inamin din ni Andrea na isa siyang big fan ng SexBomb Girls kahit na pinagsasabong sila noon.

Pangarap din aniya ni Andrea na sana raw ay mag-collab naman sila ng SexBomb Girls kung sakaling matuloy ang sinasabing reunion concert nila.

Kaugnay na Balita: Naka-get, get aw ng tiket! 'Pinalaki ng SexBomb' napa-split sa tuwa