January 26, 2026

Home BALITA Probinsya

Mga narekober na katawan sa Binaliw landslide, pumalo na sa 11; mga nawawala, 25 pa

Mga narekober na katawan sa Binaliw landslide, pumalo na sa 11; mga nawawala, 25 pa
Photo courtesy: BFP Cebu City via Ramil V. Ayuman (FB)

Tinatayang nasa 11 na ang mga narekober na katawan mula sa pagguho ng Binaliw landfill kamakailan, ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) Cebu City ngayong Martes, Enero 13. 

Base pa sa nasabing ulat kaninang alas-5 ng umaga, 12 indibidwal ang naitalang sugatan, habang 25 naman ang nawawala pa at patuloy na hinahanap sa isinasagawang rescue and retrieval operations sa landfill. 

Matatandaan na nagbaba ng “Cease and Desist Order” ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) - Environmental Management Bureau (EMB) Region VII nitong Lunes, Enero 12, para ipahinto ang operasyon ng gumuhong landfill noong Huwebes, Enero 8. 

MAKI-BALITA: ‘Cease and Desist Order,’ ibinaba ng DENR sa gumuhong landfill sa Binaliw, Cebu City

Probinsya

Cainta Mayor Kit Nieto, nag-medical break matapos isugod sa ospital

Tiniyak din ng DENR EMB Region VII na nakikipag-ugnayan na sila sa local government units (LGUs) upang mapag-usapan ang kanilang mga kasalukuyang direktiba sa waste management at kanilang 10-year Solid Waste Management Plan para maiwasan nang may maulit na kaparehong insidente sa hinaharap. 

KAUGNAY NA BALITA: Mga nasawi sa Binaliw landslide, umakyat na sa 8: mga nawawala, nasa 28 pa

Sean Antonio/BALITA