January 24, 2026

Home BALITA National

Meron o wala? ICC arrest warrant kay Sen. Bato, wala pang opisyal na kopya!—SILG Remulla

Meron o wala? ICC arrest warrant kay Sen. Bato, wala pang opisyal na kopya!—SILG Remulla
Photo courtesy: PCO (FB), MB FILE PHOTO

Muling nagbigay ng komento si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na wala pa umano talaga siyang nakikitang pormal na kopya ng warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) laban kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa. 

Ayon sa isinagawang press briefing ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Martes, Enero 13, 2026, sinabi ni Remulla na “alleged” pa rin ang balitang ICC arrest warrant kay Dela Rosa. 

“Alleged pa rin siya hanggang ngayon,” pagsisimula niya. 

Dagdag pa niya, “Sabi niya [ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla].Pero as far as I’m concerned, wala pa akong nakikitang formal copy of a warrant of arrest or request for an arrest from the ICC.” 

National

Sen. Estrada sa ₱800 wage hike ng mga kasambahay: 'A great help'

Ani pa ni SILG Remulla, wala pa rin daw nakakarating na kopya ng nasabing warrant sa mga ahensya ng Department of Foreign Affair (DFA), Philippine National Police (PNP), at Philippine Center of Transnational Crimes.

“So just to make it clear, the DFA, nor the DILG, PNP, or the [Philippine] Center of Transnational Crimes, haven’t received a formal copy of the warrant of arrest,” aniya. 

Sa kabila umano ito ng mga ipinapahayag sa publiko ng ilang mga indibidwal na mayroon na nakita na nila ang kopya ng warrant of arrest laban kay Dela Rosa. 

“However, there are several people who claimed to have seen a copy. But the formal copy has not been, yet, shown to us,” saad niya. 

“So as far as we are concern, wala pa talagang warrant of arrest,” pagtatapos pa niya. 

Kaugnay nito, matatandaang naging usap-usapan ang naging panayam kay Remulla sa ABS-CBN News Channel (ANC) kung saan natanong siya ng anchor nitong si Karen Davila kung talaga bang may arrest warrant na ang ICC laban sa senador noong Disyembre 22, 2025. 

MAKI-BALITA: DILG Sec. Remulla, 'pabitin' kay Sen. Bato: 'No ICC arrest warrant... but there might be!'

“There's none!” sagot ni Remulla sa tanong ni Davila kung may arrest warrant ba talaga kay Dela Rosa, “I’m saying this: there’s none—none that I know of.”

Dagdag pa niya, “But there might be! Magkaiba 'yon eh, 'di ba?”

Bukod pa rito, matatandaang nagbigay din ng pahayag si Ombudsman Remulla kaugnay sa warrant of arrest diumano ng ICC laban kay Dela Rosa sa panayam sa kaniya ng Unang Hirit noong Disyembre 5, 2025. 

MAKI-BALITA: 'Hintay-hintay lang!' ICC, may tinatapos lang saka isisilbi arrest warrant kay Sen. Bato—Ombudsman Remulla

Anang Ombudsman, inabiso raw sa kaniya ang isiniwalat niya noong balita kaugnay sa warrant of arrest ng ICC dahil na rin sa trabaho niyang bigyan ng accountability ang mga public officers bilang parte ng kaniyang posisyon. 

Dagdag pa niya, kopya lamang ng nasabing warrant ang mayroon siya at dapat dumaan ang orihinal na utos ng ICC sa executive department sa bansa imbis umano sa kaniya.

MAKI-BALITA: Ombudsman Remulla sa ICC warrant of arrest kay Sen. Bato: 'Abangan. Be patient'

MAKI-BALITA: 'Ano ba talaga, Kuya?' Remulla at Remulla, nagkontrahan sa hakbang ng ICC kay Sen. Bato!

Mc Vincent Mirabuna/Balita