January 25, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Lamyerda sa HK nina Will Ashley at Mika Salamanca, minalisya!

Lamyerda sa HK nina Will Ashley at Mika Salamanca, minalisya!
Photo courtesy: via Kapamilya Online World (FB)

Ilang netizen ang nagulat at nag-uusisa matapos mapabalitang magkasamang namataan sa Hong Kong ang dating celebrity housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition season 1 at kapwa Kapuso stars na sina Mika Salamanca at Will Ashley.

Batay sa mga ulat at sika, unang pinag-usapan ang dalawa sa isang Reddit post kung saan ibinahagi ng isang netizen ang ilang kuha ng dalawa habang nasa HK; mga larawang mabilis na kumalat at naging mainit na paksa online.

Sa isa sa mga litrato, kapansin-pansin ang pagiging malapit at sweet daw nina Mika at Will habang namamasyal sa Hong Kong Disneyland, kapwa naka-face mask, cap, at hoodie, na tila sinadyang umiwas sa pagkakakilanlan.

May mga kuha rin na nagpapakitang magkasama silang nagdi-dinner at kapansin-pansing kinukuhanan pa nila ng litrato ang isa’t isa.

Tsika at Intriga

Flight hindi fight! Jellie Aw, Jam Ignacio nag-celebrate ng anniversary?

Kaya naman, napapatanong ang mga netizen, lalo na ang fans nila, kung ano raw ba ang estado ng kanilang relasyon.

Nakalkal pa ng mga netizen ang video clip ng isang podcast kung saan inamin ni Will na isa sa mga gusto niyang housemate si Mika.

Sina Will at MIka ay dalawa sa mga "anak" ng kanilang "Mowm" na si Klarisse De Guzman, na kilala bilang "Pamilya De Guzman."

Nagsisipalagan naman ang fans at supporters ng kani-kanilang fan base, dahil si Mika ay associated sa kaniyang final duo sa PBB na si Brent Manalo, at si Will naman, kay Bianca De Vera.

Sa kabilang banda, kumakalat naman ang isang statement mula sa umano'y fan group ni Mika, na nagpapaliwanag tungkol dito, at ibinahagi na rin ng iba't ibang social media pages.

Mababasa rito, "First, for those who have reached out and checked in – thank you. We hope you are all holding up well, and we truly appreciate the patience, kindness, and understanding you’ve shown as we took the time to address this matter thoughtfully."

"After a private discussion with Mika Salamanca, we would like to clarify the recent events circulating online regarding her trip to Hong Kong. The photos being shared are real. Mika took this trip to give herself a much-needed pause and time to rest after a series of overwhelming events."

"For clarity, Will was not part of the original plan but later joined Mika, along with other friends. This break was taken with the full knowledge and support of Mika’s family."

"Unfortunately, some private photos and details from the trip were nitpicked from a private account and close friends whom Mika trusted, which led to misunderstandings and assumptions online. Mika sincerely apologizes to anyone who may have felt hurt, confused, or affected – causing distress was never her intention."

"We respectfully ask that Mika be excluded from any romantic narratives or speculative interpretations related to this matter. We hope this clarification helps put an end to misinformation and allows everyone involved the space, respect, and understanding they deserve."

"Thank you for extending grace to Mika Salamanca and her official fan groups as we took the time to gather our thoughts and respond with care. During this challenging moment, we are deeply grateful to the fans who stood by her, remained steadfast, and chose understanding over noise."

"To those who stayed, who waited, and who trusted—maraming salamat po. We hope this statement brings clarity and closure, and we respectfully ask that Mika’s privacy continue to be honored as she moves forward with peace," mababasa pa.

Photo courtesy: Team Mika Official via Kapamilya Online World/FB

Samantala, wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang pamunuan ng Sparkle GMA Artist Center tungkol dito.