January 25, 2026

Home BALITA

'Hindi bakasyon at pansarili!' Castro, ipinaliwanag pagbisita ni PBBM sa UAE

'Hindi bakasyon at pansarili!' Castro, ipinaliwanag pagbisita ni PBBM sa UAE
Photo courtesy: RTVM/YT


Tila may pahaging si Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro kaugnay sa kasalukuyang “working visit” ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa United Arab Emirates (UAE).

Sa isinagawang press briefing ng PCO nitong Martes, Enero 14, diretsa ang pahayag niyang hindi pansarili ang dahilan ng paglipad ng Pangulo sa naturang bansa.

“Hindi bakasyon at pansarili ang pagpunta sa Abu Dhabi. Trabaho at negosyo, pambansang interes at seguridad. Ilan lamang ‘yan sa patuloy na isinusulong ni Pangulong Marcos Jr. para sa mas maginhawa at maunlad na Bagong Pilipinas,” saad ni Castro.

Sinabi rin niyang bumisita si PBBM sa UAE upang makadaupang-palad si President Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan, at pag-usapan ang pagpapatibay sa relasyon ng dalawang bansa—gayundin ang pagtalakay sa ilang isyu tulad ng trade, defense, at sustainable development.

Inaasahan ding lalahukan ng Pangulo ang ilang aktibidad na inihanda para sa naturang working visit, gaya ng “Abu Dhabi Sustainability Week,” pagdalo sa paglagda ng “Comprehensive Economic Partnership Agreement” at ng “Memorandum of Understanding on Defense Cooperation.”

National

Banat ni Greco kay Ogie: 'Yaan mo na kaming mga lalaki dito sa gubyerno, gawain ng tunay na lalaki ito!'



Vincent Gutierrez/BALITA