January 25, 2026

Home BALITA Probinsya

Higit ₱17M halaga ng shabu, nasamsam sa Kabisayaan; 4 timbog!

Higit ₱17M halaga ng shabu, nasamsam sa Kabisayaan; 4 timbog!
Photo courtesy: PNP


Arestado ang apat na drug suspects sa magkahiwalay na buy-bust operations na ikinasa ng mga awtoridad sa Visayas noong Lunes, Enero 12.

Sa ulat ng Philippine National Police (PNP) nitong Martes, Enero 13, aabot sa ₱17.1 milyong halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasabat ng pulisya, kasabay ang aprehensyon ng apat na high-value individuals (HVIs).

Sa Bacolod City, nahuli ng mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) ng Bacolod City Police Office ang dalawang HVIs, bandang 6:16 pm ng gabi sa Brgy. Mandalagan.

Narekober sa kanila ang shabu na tinatayang aabot sa 1,300 gramo ang timbang, na may standard drug price na ₱8.84 milyon.

Kasama sa mga nasamsam ang ₱6,000 marked money at ilang non-drug items.

Probinsya

Public school teacher, arestado sa drug buy-bust operation!



Sa hiwalay na buy-bust operation sa Palo, Leyte, nasakote naman ang dalawa pang HVIs bandang 8:27pm ng gabi—sa tulong ng Personnel of the Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Leyte Police Provincial Office, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 8, at ilan pang provincial police.

Nasabat sa kanila ang pinaghihinalaang shabu na tinatayang aabot sa 1,222 gramo ang timbang, na may standard drug price na ₱8.31 milyon.

Kasama sa narekober sa mga suspek ang ilan ding non-drug items at buy-bust money.

Ayon kay Acting Chief PNP Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang aprehensyon ng mga naturang drug suspects ay isang hakbang upang mapigilan ang malawakang distribusyon ng ilegal na droga sa komunidad.

“This is a big win for our anti-illegal drugs campaign. Taking high-value targets off the streets means disrupting supply lines and preventing large volumes of drugs from reaching our communities,” ani Nartatez.

Dagdag pa niya, “Our operatives acted with precision and discipline, and that’s exactly how we intend to sustain this fight. Ito ay resulta ng maingat na pagpaplano, koordinasyon, at intelligence-driven operations. This is part of our Enhanced Managing Police Operations (EMPO) strategy, which supports President Marcos’ vision of a safer, drug-free Philippines. We’ll keep pushing hard because our communities deserve nothing less."

Sa kasalukuyan, ang lahat ng mga naarestong drug suspects ay dinala na sa kustodiya ng pulisya para sa wastong dokumentasyon at tamang disposisyon.

Posible silang humarap sa mga kaso matapos ang kanilang paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.”

Vincent Gutierrez/BALITA