January 26, 2026

Home BALITA Politics

Counterpart ni Barzaga? Sen. Imee, bet mag-apply na 'meow-meow' ng Senado—Sen. Ping

Counterpart ni Barzaga? Sen. Imee, bet mag-apply na 'meow-meow' ng Senado—Sen. Ping
Photo courtesy: via MB/PAWS (FB)

Sinabi ni Senate Pro Tempore Panfilo "Ping" Lacson na si Sen. Imee Marcos ang tila "counterpart" daw ni Cavite 4th District Rep. Imee Marcos sa Senado.

Nabanggit ito ni Lacson sa isang radio interview noong Linggo, Enero 11, nang matanong siya kung sino sa palagay niya ang nasa likod ng mga birada ng senadora.

Kasunod na rin ito ng mga alegasyon ng senadora na may pork barrel pa rin sa 2026 national budget at pinagbawalan ang mga senador na ungkatin sa mga pagdinig ang pagdawit kay Leyte 1st District Rep. at dating House Speaker Martin Romualdez sa maanomalyang flood control projects.

Tahasang sinabi ni Lacson na tila balak daw mag-apply ni Marcos bilang "meow-meow" ng Senado.

Politics

Torre kinarga ang 'sexy misis,' hinikayat tumakbo sa 2028

“Baka gusto niyang mag-apply ng ‘meow meow’ ng Senado. Eh kung ano-ano ang sinasabi niya. Baka gusto niyang maging counterpart. Ayaw naming magkaroon ng ‘meow-meow’ sa Senate pero parang may gusto may mag-apply,” aniya.

“Kung mayroon siyang ebidensya laban kung kanino man, ilabas niya at i-appreciate namin 'yon. Kung gusto dadagdagan ko ang kaniyang 10 minutes kung masyado siyang maraming ebidensiyang hawak… pero wag niyang siraan 'yong komite na pinamumunuan ko at kinabibilangan ng halos lahat ng members ng Senado. Unfair sa amin 'yon,” pahayag pa ni Lacson, na tumutukoy sa Senate Blue Ribbon Committee.

“Napaka-iresponsable ng kaniyang ginagawa. Baseless 'yong kaniyang sinasabi at saka untruthful, kasinungalingan. Never ko siyang kinausap para sabihin sa kaniya na huwag kang magbanggit kay Speaker Romualdez, wag kang magbanggit ng maski kaninong tao..."

“Unang-unang hindi nga siya uma-attend eh. Anong sasabihin pinagbabawalan sila? Never akong magbabawal sa kanila. Sino ako para magbawal sa kanila? Eh Si Sen. [Rodante] Marcoleta nga nanggulo hindi ko pinagbabawalan eh, sinasagot ko lamang siya, kasi unfair ang kaniyang pag-aakusa,” dagdag pa.

Matatandaang napatawan ng suspensyon si Barzaga dahil sa ethics complaint laban sa kaniya sa House of Representatives, noong Disyembre 2025.

Kaugnay na Balita: 'Guilty sa ethics complaint!' Kiko Barzaga, 60 araw suspendido, wala ring suweldo