Isinailalim na sa State of Calamity ang Cebu City ngayong Martes, Enero 13, matapos ang pagguho ng Binaliw Landfill kamakailan.
Ayon sa mga ulat, maglalaan ang lungsod ng ₱30 milyon bilang suporta sa search and rescue operations sa landfill at tugon sa isyu ng waste management rito.
As of 3:50 PM ngayong Martes, Enero 13, umakyat na sa 13 ang mga nasawi sa pagguho habang 12 ang sugatan, at 23 naman ang nawawala pa.
Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang search, rescue, and retrieval operations sa kabila ng malambot na lupa at gabundok na basura.
Matatandaang nagbaba na ng Cease and Desist Order ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) - Environmental Management Bureau (EMB) Region VII sa Prime Integrated Waste Solutions, Inc. noong Lunes, Enero 12, para ipahinto ang operasyon nito.
MAKI-BALITA: ‘Cease and Desist Order,’ ibinaba ng DENR sa gumuhong landfill sa Binaliw, Cebu City
Sean Antonio/BALITA