January 24, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

'Walang masabi!' Monching, may negats ba kay Jericho bilang jowa ni Janine?

'Walang masabi!' Monching, may negats ba kay Jericho bilang jowa ni Janine?
Photo courtesy: Monching Gutierrez /(IG), Janine Gutierrez (IG)

Tila wala umanong masabi ang aktor na si Ramon Christopher “Monching” Gutierrez tungkol kay Jericho Rosales bilang partner ng anak niyang si Janine Gutierrez. 

Ayon sa naging pahayag ni Monching matapos niyang pumunta sa red carpet premiere ng bago nilang pelikulang “Breaking the Silence” sa Trinoma sa Quezon City noong Sabado, Enero 10, sinabi niyang masaya siya para kina Janine at Jericho hangga’t masaya ang mga ito sa kanilang relasyon. 

“Ako kasi basta happy siya, happy ako,” pagsisimula niya, “Ganoon lang ako. Walang akong ‘okay si ganito,’ ‘okay si ganoon.’” 

Ani Monching, kararating lang umano nila sa isang bakasyon kasama ang kaniyang buong pamilya. 

Relasyon at Hiwalayan

Jake Cuenca, naispatang may bago nang bebot?

“Kakarating lang namin. We went on holiday—the whole family,” aniya. 

Tila hindi naman direktang sinagot ni Monching ang tanong sa kaniya tungkol sa kung kasama ba nila si Jericho sa naturang bakasyon na kanilang pinuntahan. 

“Kumpleto kaming lahat,” saad niya. 

Pagpapatuloy naman ni Monching, wala raw siyang masasabing masamang bagay tungkol kay Jericho sa tagal na rin daw ng pagkakakilala niya sa partner ng kaniyang anak. 

“Mabait naman si Echo. Wala akong masabing not good about him. Sa pagkakakilala ko sa kaniya at saka sa panahon na lagi din kaming magkasama,” paliwanag niya. 

“Very happy naman sila, happy ako,” pagtatapos pa niya. 

Nilinaw din ni Monching na bukas siya kung sakali mang magkakaroon sila ng proyekto ni Jericho na magkasama. 

Samantala, wala namang reaksyon, tugon, o pahayag sina Jericho at Janine tungkol sa ibinahagi ni Monching. 

Nakatakda namang ilabas sa mga theater at eskwelahan ang pelikulang “Breaking the Silence” nina Monching ngayong Enero 2026 kung saan makakasama niya ang mga artistang sina Pinky Amador, Jeffrey Santos, Monching Gutierrez, Potchi Angeles, Shira Tweg, Bugoy Cariño, Ryrie Sophia, Francis Saagundo, Achilles Ador, Zion Cruz, Gray Weber, at iba pa. 

MAKI-BALITA: Janine, Jericho nakaisang taon na bilang magkarelasyon

MAKI-BALITA: Jericho, umaming jowa na si Janine sa lamay ni Pilita

Mc Vincent MIrabuna/Balita