January 23, 2026

Home BALITA

Sen. Robin, binalikan pag-aaral ng 'martial art' sa India

Sen. Robin, binalikan pag-aaral ng 'martial art' sa India
Photo courtesy: Robin Padilla (FB), Regor Maomay (FB)

Muling binalikan ni Sen. Robin Padilla ang larawan niya sa pag-aaral umano niya noon ng isang martial art. 

Ayon sa ibinahaging post ni Padilla sa kaniyang Facebook account nitong Lunes, Enero 12, makikita ang larawan mula sa post ng netizen na nagngangalang “Regor Maomay” na nakapostura siya habang ginagawa ang aniya’y “Kalaripayat” o “Kalaripayattu” na isang lumang martial art mula sa Kelara India. 

“Kerala, India,” pagsisimula niya, “Ito [ang] panahon na pinag-aralan ko ang kanilang martial art na kalaripayat.” 

Photo courtesy: Robin Padilla (FB)

Screenshot mula sa post ni Padilla (FB). 

Metro

Sec. Dizon, tiniyak maiibsan lagpas-taong baha sa Araneta, QC bago ang tag-ulan

Ani Padilla, mas matanda raw ang nasabi niyang martial art kaysa sa Kung Fu na mula naman sa bansang China. 

“[Ayon] sa kanila mas matanda daw [ito] sa [Kung Fu]. [Ayon ‘yon] sa kwento/narrative ng mga Indian hindi sa akin," saad niya. 

Pagpapatuloy pa ng senador, may kaugnayan raw ang “Kalaripayattu” sa mga alamat ng kinokonsiderang nagtayo ng “Chan Buddhism” noong ikalima hanggang ikaanim na siglo na si “Guru Bodhi Dharma.” 

“Mga alamat na nag-uugnay nito sa kay Guru Bodhi Dharma,” pagtatapos pa niya. 

MAKI-BALITA: Sen. Robin, nagbigay-pugay sa pumanaw na guro sa gitna ng class observation

MAKI-BALITA: 'Tay Kami naman!' Sen. Robin, push sa signature campaign suporta kay FPRRD

Mc Vincent Mirabuna/Balita