January 24, 2026

Home FEATURES Katatawanan

Pinay, 4 na taon sumamba sa 'green Buddha;' estatwa, napag-alamang si Shrek lang pala!

Pinay, 4 na taon sumamba sa 'green Buddha;' estatwa, napag-alamang si Shrek lang pala!
Photo courtesy: via South China Morning Post/DreamWorks (YT)

Hindi si Buddha kundi si Shrek lang pala!

Usap-usapan sa social media ang isang Pilipinang deboto ng isang "green Buddha" na sinamba at dinasalan niya sa loob ng apat na taon, subalit, kamakailan lamang, napag-alamang ang estatwa ay isang animated character lamang.

Sa ulat ng South China Morning Post na inilathala nitong Lunes, Enero 12, nito lamang natuklasan ng babae mula sa Pilipinas na ang sinasamba niyang estatwa ng kulay-berdeng Buddha ay 3D-printed figure ng animated character na si "Shrek."

Si Shrek ay isang "beloved, grumpy but good-hearted green ogre" at siyang bida sa DreamWorks Animation film franchise na nakapangalan din sa kaniya, na batay naman sa children's book ni William Steig.

Katatawanan

Pangalang Zaldy Co, Martin Romualdez pinaskil sa labas ng memorial chapel

Batay pa sa ulat, nabili ng hindi pa natukoy na babae ang estatwang inakala niyang si Buddha, sa isang local shop. Inilagay raw niya ang rebulto sa altar at araw-araw dinadasalan habang inaalayan ng insenso. Ginagawa raw niya ito sa paniniwalang magdadala ito ng suwerte at biyaya sa kaniya.

Makalipas ang apat na taon, isang kaibigan ang bumisita sa kaniya sa bahay, at napansin ang dibuho ng "green Buddha." Matapos kilatising mabuti, sinabi ng kaibigan ng babae na hindi si Buddha ang nasa estatwa kundi si Shrek.

"On learning the truth, the woman was both amused and speechless," saad pa sa ulat.

Dagdag pa, "Rather than feeling embarrassed or upset, she laughed and said that what truly mattered was the sincerity of her prayers, not the figure itself. She added that faith with good intentions mattered more than appearances."

Ayon pa rito, imbes na huminto, tila "paninindigan" pa ng babae ang pagsamba sa estatwa ni Shrek dahil naniniwala raw siyang nagdala raw ito ng suwerte sa kaniyang buhay.

Hindi naman tinukoy sa ulat ang pagkakakilanlan ng babae at kung saang bahagi siya ng Maynila nakatira.