January 24, 2026

Home BALITA

NUJP, pinarerebyu safety protocols ng media dahil sa namatay na photojournalist sa coverage ng Nazareno 2026

NUJP, pinarerebyu safety protocols ng media dahil sa namatay na photojournalist sa coverage ng Nazareno 2026
Photo Courtesy: Itoh Son (FB)

Naglabas ng pahayag ang Movement for Media Safety Philippines kaugnay sa pagkasawi ni tabloid photojournalist Itoh Son sa kasagsagan ng “Pahalik” para sa Poong Hesus Nazareno. 

Maki-Balita: Traslacion Spox, giniit 'di 'directly related' sa prusisyon pagkamatay ng photojournalist

Sa latest Facebook post ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) nitong Lunes, Enero 12, mababasa ang kabuuang pahayag ng nasabing movement.

Anila, pagkakataon umano ang pagpanaw ni Itoh para muling suriin ang safety protocols sa media.

Internasyonal

12-anyos na lalaki, patay sa kagat ng pating!

“As the media community mourns the loss of photojournalist Armelito 'Itoh' Son, who collapsed and died while covering the Traslacion in Manila on Friday, we should also see this as an opportunity and an urgent need to review our safety protocols,” saad ng Movement for Media Safety Philippines.

Matatandaang kinumpirma mismo ng tabloid na pinagsisilbihan ni Itoh na ilang araw nang tinatrangkaso ang huli bago pumatak ang Pista ng Poong Hesus Nazareno.

Sa kabila nito, tumuloy pa rin siya sa trabaho.

Kaya naman pinaalala ang movement sa mga kapuwa manggagawa sa media na unahin palagi ang kalusugan at kaligtasan.

Ngunit anila, “[Ma]king these decisions is harder because of understaffing in newsrooms and by the economic conditions that many of our colleagues — including and especially photojournalists — face.”

Samantala, umaasa naman ang Movement for Media Safety Philippines na tutuparin ng tabloid na pinagsisilbihan ni Itoh ang pangako nilang tulong pinansiyal sa pamilya ng sumakabilang-buhay nilang empleyado.

MAKI-BALITA: Photojournalist, nasawi sa Traslacion 2026 coverage