Handa raw alamin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nasa likod ng kumakalat na fake news patungkol sa umano’y pagkamatay ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla.
Kaugnay ito sa mga impormasyong naglipana kamakailan na nagsasabing naospital at pumanaw na raw ang Ombudsman.
KAUGNAY NA BALITA: SILG Jonvic Remulla, pinabulaanang sinugod si Ombudsman Boying Remulla sa ospital-Balita
Sa isang pahayag na ibinahagi ng NBI noong Linggo, Enero 12, nasa ilalim daw ng hurisdiksyon nila ang mga isyung kagaya nito.
“The National Bureau of Investigation (NBI) stands ready to serve and respond to requests for assistance from all government agencies. In particular, the circulation of false information on social media regarding the alleged death of Ombudsman Remulla constitutes the dissemination of fake news through information and communications technology,” panimula ng NBI.
Giit pa nila, “Such an act is a violation of Republic Act No. 10175, otherwise known as the Cybercrime Prevention Act of 2012, which is within the jurisdiction of the Bureau to investigate.”
Sa gitna ng mga kumakalat na alegasyon ng kaniyang pagkamatay, sinabi mismo ni Ombudsman Remulla sa isang panayam ng DZRH kamakailan na siya ay nagtungo pa sa gym upang mag-workout, bago daluhan ang programa sa nasabing istasyon.
MAKI-BALITA: 'Kurutin mo para sigurado!' Ombudsman Boying Remulla, nakapag-gym pa-Balita
Sa ibinahagi namang social media post ng radio broadcaster na si Paolo Capino kamakailan, makikitang nahagip sa litrato ang Ombudsman, kasama si Sen. JV Ejercito.
MAKI-BALITA: Nakangiti pa! Ombudsman Boying Remulla hindi AI, buhay na buhay-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA
NBI, iimbestigahan pagkalat ng bali-balitang namatay na raw si Ombudsman Remulla
Photo courtesy: MB