January 24, 2026

Home BALITA Probinsya

Mga nasawi sa Binaliw landslide, umakyat na sa 8: mga nawawala, nasa 28 pa

Mga nasawi sa Binaliw landslide, umakyat na sa 8: mga nawawala, nasa 28 pa
Photo courtesy: Dave Tumulak (FB)

Tinatayang nasa walo na ang mga nasawi mula sa pagguho ng Binaliw landfill kamakailan, ayon kay Cebu City Mayor Nestor Archival, ngayong umaga ng Lunes, Enero 12. 

Sa kasalukuyan, 28 naman ang naitalang nawawala pa habang 18 naman ang nadala na sa ospital para mabigyan ng agarang atensyong medikal. 

“We are still in ‘rescue mode.’ We have about 18 that are hospitalized, the casualty is 8, missing is still 28,” saad ng alkalde. 

Inanunsyo rin ni Archival na makikipagpulong siya sa iba pang mga ahensya at rescue teams ngayon ring hapon ng Enero 12, para mapagdesisyonan kung itutuloy ba nila sa “rescue mode” ang operasyon o ililipat na ito sa “retrieval mode.” 

Probinsya

Taxi driver na tinangkang molestiyahin pasahero niya sa Davao City, tinutugis na!

“That’s 72 hours lapse already, but we’re still hoping that we still have people who are alive. So, that’s why we continue to be on this rescue operation. We will be deciding this afternoon, if we continue to do the ‘rescue mode’ or ‘retrieval mode,’ saad ng Archival. 

Ibinahagi rin ng alkalde na nakipagpulong din siya sa mga pamilya ng mga biktima ng pagguho at tiniyak niya na masusi at maingat nilang ginagawa ang operasyon dahil sa mga panganib pa nitong badya tulad ng pagtagas ng gaas na maaaring magdulot ng pagkasunog ng site. 

“I had a meeting with the families, they were saying that it’s very slow. I told them that these are the following reasons: Number one, we understand that there are people that are trapped inside that have life, buhay pa sila. The building is actually a metal building. All of the parts are interconnected to each other,” paliwanag ni Archival. 

“Now, if we want to bring the structure up, certainly, they will be in the middle. Maipit sila. So, that’s why, according to the command center, we go very slow and very careful. We cannot just simply cut the pieces because number one, there is actually gas spewing. If we have the big spark, then it will catch fire and it will be disastrous for the people who are trapped and at the same time, to our rescuers,” dagdag pa ng alkalde.

Aniya pa, sa nagdaang dalawang araw, wala raw gamit na malalaking equipment ang rescuers para i-angat ang mga nabaon na mga estruktura, ngayon pa lang daw gumamit ng dalawang crane ang mga ito para makatulong sa operasyon. 

Matatandaang naiulat na gumuho ang Binaliw landfill noong Huwebes, Enero 8. 

KAUGNAY NA BALITA: Mga nasawi sa pagguho ng Binaliw landfill, nadagdagan pa ng 2! – BFP 7

KAUGNAY NA BALITA: Mga nasawi sa Binaliw, Cebu, landslide, 4 na; ‘search and rescue,’ nagpapatuloy–Cebu City Mayor Archival

Sean Antonio/BALITA