January 24, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Mag-ex na Erik at Rufa Mae, nagkita sa ASAP; tukso ng netizens, 'Bagay... sila na lang ulit!'

Mag-ex na Erik at Rufa Mae, nagkita sa ASAP; tukso ng netizens, 'Bagay... sila na lang ulit!'
Photo courtesy: ASAP (FB)

Naghatid ng kilig sa mga host, live audience, at maging netizens ang pagkikita nina Kapamilya singer Erik Santos at comedienne Rufa Mae Quinto sa musical noontime show ng ABS-CBN na "ASAP," sa Sunday episode noong Enero 11, matapos ang collaboration ng huli at ni Moira Dela Torre.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, nag-collab sina Rufa Mae at Moira sa pagkanta ng awiting "Paubaya" na isa sa mga hit song ni Moira.

Matatandaang ginaya ni Rufa Mae si Moira bilang contestant sa "Your Face Sounds Familiar."

Matapos ang performance ng dalawa, kasama nina ASAP regular hosts Robi Domingo at Alexa Ilacad, umakyat din sa entablado si Erik para mag-abot ng bouquet of flowers kay Peachy.

Relasyon at Hiwalayan

Jake Cuenca, naispatang may bago nang bebot?

Hindi naman naiwasan ng hosts at audience na hindi kiligin sa dalawa, lalo na nang ibeso ni Erik si Rufa Mae.

Sa opisyal na Facebook page ng ASAP, ibinahagi pa ang larawan ng dalawa.

"Sinong kinikilig?! Na para bang mhie at dhie ang tawagan! Paki explain po @eriksantos @rufamaequinto !" mababasa sa caption ng post.

Grabe naman ang kilig ng mga netizen batay sa comsec, na para bang binubuyo pa ang mag-ex-jowa na magkabalikan na sila.

"Pwede sila na ulit"

"Pwede kayo na lng ult"

"Sana cla ulit..."

"Pwede namng mging cla in ulit"

"Together again"

"Muling ibalik ang tamis ng. Pagibig"

"Pinagtagpo na ulit bng tadhana.single. Nmn pareho bkit Di pwede."

Matatandaang noong 2006 umusbong ang romantic relationship sa pagitan ng dalawa, subalit bandang Myao 2007 nang mapaulat ang kanilang paghihiwalay, na ayon sa panayam kay Erik, ay dahil sa busy schedule nilang dalawa at wala namang third party.

Kamakailan lamang, nabiyuda si Rufa Mae nang sumakabilang-buhay ang mister niyang si Trevor Magallanes.

Si Erik naman, wala pang napapaulat na karelasyon, kaya technically, pareho silang single ngayon.