January 26, 2026

Home BALITA Probinsya

Higit 4k residente sa Albay, apektado sa patuloy na pag-alburoto ng Bulkang Mayon–NDRRMC

Higit 4k residente sa Albay, apektado sa patuloy na pag-alburoto ng Bulkang Mayon–NDRRMC

Umabot na sa higit 4,000 mga residente sa Albay, Bicol, ang nailikas bunsod ng patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Mayon, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nitong Lunes, Enero 12. 

Sa kabuuang 4,141 indibidwal o 1,131 pamilya, 4,092 katao o 1,116 pamilya ang kasalukuyang naninirahan sa 14 evacuation centers, habang may 48 katao o 15 pamilya pa ang binibigyang-tulong sa labas ng evacuation centers. 

Ayon pa sa nasabing ulat, nasa Tabaco City ang may pinakamalaking bilang ng mga apektadong residente, kung saan, binubuo ito ng 1,788 indibidwal o 489 pamilya.

Sumunod ang Malilipot na may 1,513 indibidwal o 406 pamilya. 

Probinsya

Public school teacher, arestado sa drug buy-bust operation!

Sa Camalig, na may naitalang 728 indibidwal o 206 pamilya. 

Sa Ligao City na may 96 indibidwal o 26 pamilya; at sa Guinobatan na may 16 indibidwal o apat na pamilya. 

Bilang tugon, tiniyak naman ng Philippine Army (PA) na nakahanda silang rumesponde sa rescue and relief missions sa mga komunidad na apektado ng patuloy na pag-aalburoto ng Mayon. 

Sa panayam naman ni Gov. Noel Rosal sa media nito ring Enero 12, binanggit niya na pinaghahandaan na nila ang posibleng paglikas pa ng karagdagang 13,000 katao kasabay ng posibilidad na pag-akyat Mayon sa Alert Level 4. 

Matatandaang nakapagtala ng 256 na pagguho ng mga bato at 41 Pyroclastic Density Currents (PDCs) o “uson” ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Bulkang Mayon mula 12 AM ng Sabado, Enero 10 hanggang 12 AM noong Linggo, Enero 11.

MAKI-BALITA: 256 na pagguho ng mga bato at 41 PDCs, naitala sa Bulkang Mayon sa nagdaang 24 hours–Phivolcs

Nakapagtala rin ng karagdagang real-time seismic energy release (RSAM) ang Department of Science and Technology (DOST) - Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Mayon noon ring Linggo, Enero 11. 

Kaya paalala ng ahensya sa ang mahigpit na pagpapabawal pumasok sa loob ng 6-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) dahil sa mataas na lebel ng PDCs, lava flows, at pagguho ng mga bato, at iba pang volcanic hazards.

Inabiso rin ng DOST-PHIVOLCS sa mga residenteng nasa loob ng 8-kilometer radius ang posibleng paglikas kung sakali na itaas ang Mayon sa Alert Level 4. 

MAKI-BALITA: Karagdagang ‘seismic activity,’ namataan sa Bulkang Mayon ngayong Enero 11

Sean Antonio/BALITA