January 26, 2026

Home BALITA Probinsya

Contestant sa Miss Iloilo, nagliyab ang costume habang rumarampa!

Contestant sa Miss Iloilo, nagliyab ang costume habang rumarampa!
Photo courtesy: screengrab from contributed video

Literal na naging “hot” ang isang contestant sa Miss Iloilo 2026 matapos aksidenteng magliyab ang suot niyang costume habang rumarampa.

Ayon sa mga ulat,habang inaangkin ng kandidata ang sentro ng entablado ay bigla raw umusok ang costume niya na hango sa isang hitsura ng isang chimney.

Mabilis namang naka-aksyon ang mga kasamahan ng nasabing contestant at naalis ang nagliliyab niyang costume habang siya ay umiikot sa pagrampa.

Bunsod nito, napabilib niya ang mga manonood dahil tila dedma raw ang kandidata sa kaniyang sitwasyon.

Probinsya

Public school teacher, arestado sa drug buy-bust operation!

Nakuhanan pa umano ng video ang nasabing insidente at pinag-usapan sa social media. 

Samantala, sa darating na Sabado, Enero 17, 2026 magaganap ang coronation night ng kompetisyon kung saan inaasahang dadalo ang ilang personalidad na sina Mags Cue, Jojo Bragais, Jonas Gaffud, Rabiya Mateo at Michelle Dee. 

Matatandaang ang Miss Iloilo ay bahagi ng malawakan at makulay na pagdiriwang ng Dinagyang Festival sa nasabing probinsya na isinasagawa taon-taon. Handog ito sa selebrasyon ng kapistahan ng Sr. Sto. Niño.