January 26, 2026

Home BALITA Probinsya

‘Cease and Desist Order,’ ibinaba ng DENR sa gumuhong landfill sa Binaliw, Cebu City

‘Cease and Desist Order,’ ibinaba ng DENR sa gumuhong landfill sa Binaliw, Cebu City
Photo courtesy: Dave Tumulak (FB)

Ipinahinto ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) - Environmental Management Bureau (EMB) Region VII ang operasyon ng landfill na gumuho sa Binaliw, Cebu City, kamakailan, matapos itong magdulot ng pagkasawi at pagkasugat ng ilang manggagawa.

 

“After the January 9 site inspection, DENR EMB Region VII issued an immediate Cease and Desist Order to Prime Integrated Waste Solutions, Inc. under EMB MC 2007-002, halting landfill operations except for rescue, retrieval, and cleanup activities. The company has been called to a Technical Conference to establish facts and submit a compliance plan within 90 days,” saad sa pahayag ng DENR 7 nitong Lunes, Enero 12. 

Binanggit din ng ahensya na kasalukuyan silang nakikipag-ugnayan sa local government units (LGUs) upang mapag-usapan ang implementasyon ng kanilang mga mandato sa ilalim ng Republic Act (RA) 9003 at Local Government Code. 

Probinsya

Public school teacher, arestado sa drug buy-bust operation!

Kasama rin daw sa magiging diskusyon ay ang implementasyon ng kanilang waste collection, disposal, facility monitoring, at pagsusumite ng kanilang 10-year Solid Waste Management Plan. 

“The DENR is closely coordinating with concerned LGUs, in line with their mandates under RA 9003 and the Local Government Code, including waste collection, disposal, facility monitoring, and the submission of a 10-year Solid Waste Management Plan. We are working with them to review oversight measures and ensure full compliance,” saad ni ahensya. 

Tiniyak ng DENR na sa pamamagitan ng aksyon na ito, bibigyan nila ng prayoridad ang kaligtasan ang publiko at kalikasan, at ang paghahain ng mga pangmatagalang solusyon para hindi na muling mangyari ang mga malalala pang insidente. 

“The DENR remains committed to transparency, due process, and collaboritation with LGUs, communities, and stakeholders. Our priority is public safety, environmental protection, and long-term solutions to prevent similar incidents,” pagtitiyak ng ahensya. 

Base sa kasalukuyang ulat ni Cebu City Mayor Nestor Archival nito ring umaga ng Enero 12, tinatayang nasa walo na ang mga nasawi mula sa pagguho ng landfill. 

Nasa 28 naman daw ang mga naitalang nawawala habang 18 naman ang nadala na sa ospital para mabigyan ng atensyong medikal. 

MAKI-BALITA: Mga nasawi sa Binaliw landslide, umakyat na sa 8: mga nawawala, nasa 28 pa

Sean Antonio/BALITA