January 18, 2026

Home SHOWBIZ

Bugoy Cariño, nagsising naging batang ama

Bugoy Cariño, nagsising naging batang ama
Photo Courtesy: Bugoy Cariño (IG)

Inihayag ni dating Hashtag member at child actor Bugoy Cariño ang kaniyang pagsisisi dati noong maging batang ama siya.

Sa ulat ng ABS-CBN News noong Linggo, Enero 11, sinabi umano ni Bugoy sa isang panayam na nanghinayang siya bagama’t napagtanto rin kalaunan na biyaya mula sa Diyos ang kaniyang anak.

“Well, aaminin ko po, no’ng una talaga nanghinayang po talaga ako. Habang tumatagal, nare-realize ko na kumbaga parang gift siya ni God. So blessing siya,” saad ni Bugoy.

Dagdag pa niya, “Kumbaga no’ng time na ‘yon, mas maraming blessing na pumasok sa akin. Inalis ko na sa isip ‘yong mga regrets ko [at] pagsisisi.”

Vhong, Darren in-expose paghuhubo ni Vice Ganda!

Matatandaang 16 na taon ang edad ni Bugoy noong magkaroon siya ng anak sa volleyball player na si EJ Laure na 21 anyos na noon.

Ikinasal silang dalawa noong Marso 2025 ilang buwan matapos nilang ibida ang kanilang prenuptial photoshoot sa kani-kanilang Instagram accounts.

Maki-Balita: Bugoy Cariño, ikinasal na kay EJ Laure!