Kinubra na ng lucky winner mula sa Lipa City, Batangas ang napanalunan niyang ₱5.9 milyong premyo matapos manalo sa Lotto 6/42 na binola noong Enero 1, 2026.
Napanalunan ng lucky winner ang ₱5,940,000.00 nang mahulaan niya ang wninning combination na 34-35-38-01-18-41 sa pamamagitan ng lucky pick.
Sa ulat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kamakailan, halos 12 taon nang tumataya sa lotto ang lucky winner, na siyang isang store owner sa Lipa.
At nang matanong kung saan gagamitin ang premyo, aniya, "Ide-deposito muna po ang pera. Maaari po itong maidagdag sa aking negosyo.”
Binobola ang Lotto 6/42 tuwing Martes, Huwebes, at Sabado.