January 24, 2026

Home BALITA Politics

Baka makipagsabunutan! Sen. Imee, pumalag sa akusasyon ni Sen. Ping na may 'allocables' din siya

Baka makipagsabunutan! Sen. Imee, pumalag sa akusasyon ni Sen. Ping na may 'allocables' din siya
Photo courtesy: via AP News. MB file photo

Binanatan pabalik ni Sen. Imee Marcos ang pahayag ni Senate Pro Tempore Sen. Ping Lacson hinggil sa pagkakaroon daw niya ng kontrobersyal na "allocables."

Sa pahayag na inilabas ng senadora noong Linggo, Enero 11, 2026, nilinaw niyang pawang "wishlist" lamang daw ang halaga ng allocables na idinidiin sa kaniya at hindi raw nabigyan ang mga posisyon.

"Medyo nakakatawa siya, 'di niya alam lahat 'yan ay wishlist na binigay sa DPWH Central Office," anang senadora.

Dagdag pa niya, "Clueless ba siya na kaming oposisyon lahat [ay] FLR or 'for later release' kaya ni isa diyan ay walang naibigay. Zero kaming lahat nila Bong Go, Bato at Robin!"

Politics

Torre kinarga ang 'sexy misis,' hinikayat tumakbo sa 2028

Depensa pa ng senadora na wala rin daw siyang alam sa mga allocables ng kasalukuyang administrasyon.

"At malay ko ba sa allocables ng admin, sa aming dalawa, hindi ako ang abogada ng Malacanang," ani Sen. Imee.

Banat pa niya, "Parang masyadong gigil itong si Senator Ping sa akin, baka makipagsabunutan-sure akong talo ako diyan!"

Matatandaang noong Linggo rin, Enero 11 nang unang maglabas ng pahayag si Sen. Lacson hinggil sa buwelta niya sa mga pahayag ni Sen. Imee sa usapin ng allocables ang 2026 national budget.

“Si Senator Imee, mayroon din doon. Kung hindi ₱2.5 billion, nasa ₱3.5 billion. Yung for later release niya, may mga na-release doon,” ani Lacson sa isang radio interview.

“Siya (Imee Marcos) yung nag-iingay na tahasang kini-criticize niya ang napirmahang budget ng 2026. Kung ganun definition niya ng pork, siya nga ang mayroong pork [barrel]. So wala siyang moral ascendency para i-criticize,” saad ni Lacson.

KAUGNAY NA BALITA: 'Wala siyang moral ascendency! Sen. Lacson, sinupalpal hanash ni Sen. Imee sa 2026 nat'l budget