January 24, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Netizens, windang! Diego Loyzaga, nag-'I love you' sa post ni Coleen Garcia

Netizens, windang! Diego Loyzaga, nag-'I love you' sa post ni Coleen Garcia
Photo Courtesy: Diego Loyzaga, Coleen Garcia (IG)

Usap-usapan ang komento ng aktor na si Diego Loyzaga sa social media post ng dating co-star niyang si Coleen Garcia.

Sa isang Instagram post ni Coleen kamakailan, nagbahagi siya ng larawan kasama ang mister na si Billy Crawford at kanilang dalawang anak habang nasa yate.

“This made Amari fall in love with sunsets. Core memory unlocked,” saad ni Coleen.

Komento naman ni Diego, “I love you.”

Tsika at Intriga

'Di nila gets ang pressure!' Mikee Quintos, inungkat 'pabigat' issue sa group work noong college

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing komento. Narito ang ilan:

"Sino? Yung si coleen si billy o si amari? Mmmmmmm magulat kami kng si coleen"

"hahaha gamit ba ng baby mo phone mo?"

"Thought I was the only one who noticed "

"May plano yan mang agaw ng asawa c diegoo kaya cgro hndi naniniwala sa kasal "

"ha what"

Ngunit bwelta ni Diego sa isang netizen, “Oh para wala ng gulo kung si coleen billy amari o silang lahat yung ini-i love youhan.”

“After ko makita muka mo, nag bago isip ko, naniniwala na ako sa kasal. KASALanan may access ka sa social media sa baluktot mong pagiisip,” dugtong pa niya.

Matatandaang minsan nang nagkatrabaho sina Diego at Coleen sa pelikulang “Isang Gabi”  na dinirek ni Marc Alejandre.